LF 5

9 0 0
                                    


"Aejan! Aejan!"


Yan lang huli kong naalala bago ako nahimatay. Nakita ko na bumalik na ulit ako sa sementeryo. Medyo sumasakit yung ulo at puso ko lalo na kapag naaalala ko yung mga nakita ko kanina sa sunflower farm. Nararamdaman ko na isa yon sa mga memories ko nung nabubuhay pa ako. Yung napapanaginipan ko gabi gabi at yung nakita ko kanina ay halos magka konekta lang.

Pumunta ako sa puntod ko at nakita na ubos na yung kandila na nilagay ni kuyang kyut. Nawala na rin yung red string na nakabalot sa kandila. Tama nga siya kapag naubos ang kandila kusa ng babalik ang kaluluwa ko dito sa sementeryo.

"Aejan! Nasan ka?" pamilyar yung boses. Lumingon ako at nakita ko na sobrang hinahapo na kakatakbo si kuyang kyut. Nilapitan niya ako at tinitgan ng matagal.

"ok ka lang ba? Sorry hindi ko alam na masasaktan ka. Sorry hindi ko namalayan yung oras dapat binalik na kita dito. sorr---" di ko na siya pinatapos.

"ok lang yon. Pinili kong sumama sayo kaya hindi mo kailangan mag sorry. Besides tinulungan mo akong makalabas dito kahit saglit kaya dapat ako yung nag thathank you. Kaya kuyang kyut maraming maraming salamat" ngumiti siya at umupo dun sa malapit na fountain.

"alam mo bago ako nawalan ng malay kanina meron ako biglang naalala. May isang babae na natawag sakin ng 'anak' tapos biglang may nakita akong lalaki tapos sabi niya sakin '... gusto ko dito tayo ikasal aejan, sa lugar na napakaimportante sayo' pero hindi ko nakita yung mukha nila. Saying nga e" habang nagkwekwento ako napansin ko na tahimik siya. Alam kong nakikinig siya pero may iba siyang iniisip kaya iniba ko nalang yung topic.

"pero bakit mo ba naisipan na gumala ngayon? Sa mall? Sa sunflower farm?" sa totoo lang sobrang curious ako kung bakit niya ako sinama sa mga lugar na yon.

"nagbabakasakali lang ako na baka may maalala ka o ayan effective naman pala" habang sinasabi niya yan nakangiti siya sakin. Sobrang gwapo niya pag ngumingiti siya ng ganyan.

"pero isa sa dahilan ay regalo ko yon sayo" regalo? Bakit may regalo? "regalo ko sayo yon kasi aalis na ako baka matagalan ulit bago ako makabalik"

ARAY!

Biglang kumirot yung puso ko. Siguro gawa pa din nung nangyare kanina.

"ha? Aalis ka na? kailan?" buti nalang nasabi ko yan. Nung narinig ko kasi na aalis siya parang di ako makapagsalita. Akala ko pa naman matutulungan niya ako pero iiwan niya din pala ako.

"kailangan ko ng umalis bukas. Kailangan ko na ulit magtrabaho. Ang sabi ko tutulungan kita pero hindi ko na ata matutupad yon."

Parang nagbuhol buhol yung dila at wala akong masabi walang lumalabas na kahit isang salita sa bibig ko.

"regalo ko yon sayo kase ikaw ang unang kaibigan kong multo. Ikaw lang yung multo na kaya kong kausapin tsaka sobrang kulit! Oo duwag ako at simula bata ako pinagsisisihan ko kung bakit nakakakita ko ng mga katulad mo pero hindi ko akalain na makikilala kita. Gusto kitang maging kaibigan kaya ginawa ko yon. Sorry kung bigla nalang akong aalis at sana nakatulong yung naalala mo sayo"

Bakit ganon? Ilang araw pa lang kami nagkakausap tapos ngayon lang kami nagkasama buong araw pero bakit parang iiwan ako ng isang taong napakatagal ko ng kilala?

"ok lang" pero hindi talaga ako ok. "ok lang yon no! thank you pa den kase kahit isang araw nakalabas ako dito at oo simula ngayon magkaibigan na tayo" tumayo na ako kasi feeling ko tutulo na yung luha ko.

Ano ba Aejan bakit ka iiyak? Ganon ko ba talaga siya mamimiss?

"alam mo pagabi na umuwi ka na tsaka aalis ka na bukas kailangan mo pa maghanda" hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at tumakbo na ako papalayo habang nag baba bye sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost FlowerWhere stories live. Discover now