LF 4

11 1 0
                                    


Natatakot ako pero dahan dahan kong hinawakan yung kamay. Napapikit ako ng bigla niya akong hinila palabas ng gate.


HINDI AKO NASAKTAN.


WALANG KURYENTE.


HINDI AKO NANGHINA.


"sabi ko sayo diba magtiwala ka lang sakin" binuksan ko yung mata ko at nakita ko na nasa labas na ako.

"nakalabas ako? Nasa labas na ako?! Paano? Kuyang kyut paano nangyare to!?" SOBRANG SHOOKT AKO SA NANGYAYARE NGAYON AT THE SAME TIME SOBRANG SAYA KO.

"magic! Ako pa ba?" habang sinasabi niya yan tumatawa siya tapos iniikot niya yung kamay niya na parang nag mamagic.

"HA.HA.HA ang funny mo talaga no!" hindi ko siya pinansin dahil sobra pa din akong shookt at excited dahil nakalabas na ako!

"huy joke lang! nakikita mo ba to?" tinaas niya niya yung left hand niya at pinakita sa akin yung red string na nakaikot sa ring finger niya. "nag-iwan ako ng kandila sa puntod mo na may nakabalot na red string tapos naglagay ako ng red string sa kamay ko ibig sabihin non may isang tao na nag guguide sa kaluluwa mo kaya ayan nakalabas ka ng mahiwang gate na yan"


Oooohhh ganon pala yon? Hay nako lalo akong nacucutan dito kay kuya kase ang dami niyang alam ha.


"pano mo nalaman yung mga ganto? Nagawa mo na ba to dati?" nakakapagtaka lang na ang dami niyang alam sa mga ganito. Siguro ka age ko lang tong si kuya pero alam na agad niya yung mga ganito.

"tinry ko siyang gawin dati, sa sobrang desperado kong makita ulit ang parents ko nagtanong ako sa lola ko kung anong pwede kong gawin kaso sabi niya wala daw kaya nag research ako, pinagaralan ko yan at nagtanong tanong hanggang sa malaman koi to at ayon effective naman pala"


Di ko alam kung anong sasabihin ko kaya... "thank you..." yan nalang nasabi ko tapos naglakad na akohanggang sa kanto ng sementeryo.



THIS IS IT! NAKALABAS NA TALAGA AKO!



"eto na talaga! Feeling ko nakalaya ako sa pagkakakulong ko" tiningnan ko yung paligid ko at sobrang daming tao. May mga batang naglalaro sa kalsada, may mga tricycle na nakapila tapos nagtatawag ng pasahero, may mga maliliit na tindahan at ihawan.

"wow! Alam kong wala akong natatandaan pero sobrang gaan sa pakiramdam na makita ko to" kahit sobrang gulo ng paligid ko ngayon sobrang saya ko.

"tara na marami pa akong ipapakita sayo" bigla kong narinig si kuyang kyut na nagsalita kaya sinundan ko siya. Nakita ko na sumakay siya ng sasakyan.



WOW SUSYAL ANG LOLA NIYo PATAY NA PERO NAKA SASAKYAN PA DEN.



Sumakay ako at sobrang bango ng sasakyan niya. Jusko amoy lalaki sobrang bango tapos ang linis din ng loob. Hindi halata sa itsura niya na ganto siya kalinis sa sarili niya.

"teka nga kuyang kyut ilang beses na tayong nagkikita di ko pa den alam pangalan mo" ngayon ko lang narealize kase ang pangit naman kung kuyang kyut palagi tawag ko sa kanya diba?

Lost FlowerWhere stories live. Discover now