Prologue

7 0 0
                                    

"Get up, Ace! May pupuntahan tayo"

Narinig kong may nagsasalita, hindi ko alam kung totoo ba o nananaginip lang ako. Nararamdaman ko din na may yumuyugyog sa braso ko pero ayaw ko pa ding idilat ang mga mata ko.

"Huy Ace! Bumangon ka na dyan! Aalis nga tayo"

Tuloy pa din yung nagsasalita, gising na ba ako o nasa panaginip pa din? Basta ang alam ko, pikit ang mga mata ko.

"Ahh ganyan ha!"

Nagulat ako nang may biglang humila sa paa ko at inilaglag ako sa kama.

"Ow! Shit ang sakit sa pwet" I said.

Wala pa din ako sa wisyo pero tinignan ko kung sino ba itong nang-gugulo sa tulog ko. When I looked up, I saw Julia. She's my childhood bestfriend pero ngayon parang gusto ko nalang kalimutan muna yon.

"Ano ba yan, Julia? Kakatapos lang ng 36 hours duty ko eh" I said habang bumabalik sa kama.

"Alam ko, kanina pang umaga yun! Ala- sais na ng gabi, okay naman na siguro yung halos 12 hours na tulog mo ano? Ni hindi ka na nga kumain ng lunch at dinner" para talagang nanay 'tong si Julia minsan. "Bumangon ka na dyan, aalis nga tayo!" she said na naiinis na sa akin.

Inirapan ko lang siya kaya naman tinalikuran niya na ako at lumabas na sa kwarto ko.

Hindi ko namalayan na ala-sais na pala ng gabi. Halos 12 hours na nga akong tulog, nakaramdam na din ako gutom kaya naman bumangon na ako.

Pagkalabas ko sa kwarto ay dumiretso ako sa kitchen. Sa tagal ng tulog ko, ramdam na ramdam ko na ang gutom. Naabutan ko naman si Julia na nakaupo doon at kumakain.

"Pahingi ako. Gutom na ko" I said to Julia.

"Ano ba yan Ace, doctor ka ba talaga? Para kang pulubi dyan kung makahingi ka ng pagkain" she said.

"Gutom na talaga ako, hindi kaya ako naglunch" sagot ko.

"Alam ko, malamang kasi tulog ka magdamag! Yung mga pasyente mo sobra mong alagaan pero yang sarili mo naman ang pinapabayaan mo. Oh, eto na!" Inabot niya sa akin yung isang plastic na may lamang tupperware, luto ata niya 'to. "Dalian mo ha? At aalis nga tayo. Malelate na tayo nyan eh"

"Saan ba kasi tayo pupunta? Importante ba yan?" I asked.

"Of course! You will miss your whole life kapag hindi ka nakasama sa akin" sabi niya na ewan ko ba kung paniniwalaan ko dahil alam ko naman na pinipilit niya lang akong sumama.

Hindi nalang ako umimik dahil alam ko naman na hindi ako titigilan ng babaeng 'to. Gusto ko pa naman sanang magpahinga na lang, sobrang napagod kasi ako sa duty ko kanina. Sobrang daming sinugod sa ER, kaya naman wala na ding panahon para makapag-pahinga.

Pagkatapos namin kumain ay dali dali na akong pinaligo ni Julia at pinag-ayos. Dapat daw ay maganda ako ngayong gabi dahil importante daw ang pupuntahan namin. I don't know where we're going, bahala na siya.

Sumunod na lamang ako. Naligo ako at naghanap ng maayos na damit. I am wearing a white choker V-neck dress. I blow dried my hair dahil ayaw kong umaalis na basa ang buhok. I put on some light make up because Julia said importante daw yung pupuntahan namin so ayoko naman na mapahiya kung hindi ako mag-aayos. I just paired it with an ankle strap classic midi heels.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakapag-ayos na din si Julia. She's just wearing an oversized shirt paired with a short shorts. Bakit ganon? Over dressed ata ako.

"Hala, Juls. Palit lang akong damit. Sobrang formal ko naman tignan tapos ikaw ang comfy lang ng suot" I said.

"No! Ang perfect niyang suot mo. Ewan ko nalang kung hindi pa maglaway yun at bumalik sayo" she said in a low voice kaya naman hindi ko narinig ng maayos ang mga huling sinabi niya.

Ace of SpadeWhere stories live. Discover now