Kabanata 1

5 0 0
                                    


Broke


"Sometimes in our life, a person will come that may change our life. They will make us happier than before, they will take care of us the way we should be taken care of and because of that, our world would revolve around them even if we didn't intend to. That's why mapapaisip tayo, siya na kaya talaga? We will hope for it, that they're the one for us because why would they came into our life kung para sa wala lang, right?"

Rinig sa buong St. Andrew's University ang sinasabi ng babaeng nagsasalita para sa Andrews News. Ang Andrews News ay ang namamahala sa University News and Radio namin, every afternoon may ganito silang segment called as "Hugot na, hugutin mo pa" na pinaririnig sa buong university using the speakers.

Yeah, I know. The segment's name is a trash. But ayun na nga, nagustuhan siya ng mga students. Its about telling some hugot stories, if you want to share something about lovelife and stuff just go there then ikaw ipagsasalita nila sa microphone.

"Pero paano kung ang tanging plano niya lang pala ay ang paasahin ka? Ang paniwalain ka na tunay ang pagmamahal niya? Paano kung hindi naman talaga sila ang nakatadhana para sa atin? Paano kung dadaan lang pala sila sa buhay natin para buo-in tayo at pagkatapos ay durugin ulit? Ng paulit-ulit, para siguro matauhan tayo? At para maturuan tayo kung paano ba magmahal at magpalaya" pagpapatuloy ng babae.

Naiinis lang ako habang nakikinig. Bakit kailangan ganyan pa ang topic? Nananadya ba sila?

Sobrang lalim na ng iniisip ko nang biglang nagsalita ang kaibigan kong si Julia.

"That's why life's a bullshit! Ano yun? Bakit kailangan mo pa makilala if he's not the one for you diba? Kaya madaming nasasaktan sa mundo because everybody thinks that this might be it, he might be the one then BAM, you woke up and found out he already left you!" Julia said.

Well, halata naman siguro na may pinagdadaanan siya that's why she's like that.

"Kalma, Juls. You're just saying that dahil sa nangyari sa inyo ni Jugs, I understand you" I said.

"Whatever, Ace. Bakit ikaw hindi ka ba bitter? Ikaw itong niloko at iniwan ng magaling mong ex na gago!" Sabi niya.

I know Juls, bakit pinapamukha mo nanaman?

"Can you not mention that again? I'm really trying hard to not talk about that, Juls."

Jake, my ex-boyfriend, and I were supposed to celebrate our 5th year together. Isang buwan na lang anniversary na namin at nagawa pa niyang magloko. I thought I know him and sigurado naman ako sa kanya, akala ko siya na talaga.

"Okay, if that's what you say"

Hindi na namin napakinggan yung sinasabi ng babae sa university radio because of our exchange of thoughts. Nasa canteen kami ngayon ni Julia because its our vacant.

2nd year college student kami ni Julia ngayon. We're taking up BS Pharmacy. Sa ngayon, hindi pa naman namin pinagsisisihan yung pinili naming course. Kami ni Julia, simula 9 years old palang magkaibigan na kami. Para na talaga kaming magkapatid.

Parehas ang pinili naming course dahil favorite namin ang Science then dahil na din sa pagconvince ng mga magulang namin so we decided na mag Pharmacy and my father's also a Pharmacist. Hindi naman sinabi sa akin ni Daddy, gagamit pa din kami ng Math dito.

Kung ano-ano na ang napagkwentuhan namin ni Julia. Matagal pa kasi ang vacant namin.

"So paano yan mamaya? Hindi ka nanaman uuwi sa inyo?" I curiously asked Julia.

We're staying in a condo and syempre magkasama kami. Dapat lang naman! Dalawa lang kami sa room kahit actually pang apat na tao ang pwede. Mas okay na din dahil sanay na sanay na kami sa isa't isa and para na din hindi na kami mahirapan na makisama pa sa iba.

Ace of SpadeWhere stories live. Discover now