Kabanata 3

3 0 0
                                    


Eyes

"Oh! Bakit ang aga mo naman ata bumalik?" bungad sa akin ni Julia pagkapasok ko sa condo.

Pagkatapos ko kasing magpakabaliw sa sasakyan ay umuwi na din ako. Ayaw ko namang tumunganga lang dun at kaawaan ang sarili ko.

"Oo, binili ko lang ang mga kailangan ko"

Dumiretso na ako sa CR para magbihis pero tuloy tuloy pa din ang mga tanong sakin ni Julia.

"Kamusta naman? Anong binili mo?"

"Gift ko kay mommy, birthday niya next week"

Lumabas na ako sa CR at nakita ko si Julia na tinitignan ang laman ng mga paperbag na dala ko.

"Oo nga pala birthday na ni tita Cass. Wala pa akong gift sa kanya sana pala sumama ako sayo kanina"

"Sa sabado pa naman ang party" I said. "Tignan mo nga, maganda ba itong dress na nabili ko?" nilabas ko ang napili kong dress at pinakita kay Julia.

"Ang ganda! Sobrang fit sayo nyan"

Buti naman at nakapili ako ng magandang damit para sa party ni mommy.

"Try mo din bumili sa shop na binilhan ko" suhestyon ko kay Julia.

"Hmm sige, parang magaganda nga ang designs nila dun"

Inayos ko na muna ang mga gamit ko para naman walang kalat sa room namin. Si Julia naman ay biglang umupo sa kama niya galing sa pagkakahiga.

"Paano yan, hindi mo pa nasasabi kila Tita yung sa inyo ni Jake"

Nabigla ako sa pag open ni Julia ng tungkol kay Jake. Ayaw na ayaw kasi niya na napag uusapan namin ang tungkol dun. Sabi niya mas mabilis daw akong makakalimot kung hindi na binabanggit ang pangalan ng ex ko.

"Ewan ko" napapaisip din ako "hindi ko din alam kung paano ko sasabihin eh"

"Malamang magtataka sila Tita Cass at Tito Khy kung bakit hindi pupunta ang ex mo sa party"

Naisip ko na din yan. Nasanay na ang family ko na sa bawat family event ay kasama ko si Jake kaya siguradong malaking issue na hindi ko siya kasama sa magiging party.

"Antayin ko nalang na sila ang makapansin. I can't open it up to them. Naging malapit na din sila kay Jake, lalo na si Kaydence. Parang kuya na talaga ang turing niya dun"

"So, aantayin mo nalang na sila ang magtanong?"

"Oo. Mahahalata din naman nila agad yun"

Humiga muna ako sa kama ko habang nakatingin pa din sa akin si Julia. Ano nanaman kayang iniisip ng babaeng 'to?

Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakita ko kanina, malamang magwawala nanaman siya sa galit.

"Uhh.."

Halata ko ang pag aalinlangan ni Julia kung itutuloy niya ba ang sasabihin o hindi. Natatawa nalang ako sa itsura niya kasi hindi siya mapakali.

"Ano ba yun, Juls? Sabihin mo na"

Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"Eh gusto ko lang tanungin kung kamusta ka na ba?" sabi niya sabay tayo sa kama niya at tumabi sa akin.

"Alam kong ako ang nagsabi na wag nating pagusapan yang ex mong gago, pero syempre hindi din naman ganun kadali para sayo"

Tinignan ko siya at kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya.

"Okay lang ako nu. Actually nakita ko nga siya kanina eh"

Naisip kong sabihin nalang kay Julia dahil wala din naman akong iba pang mapagsasabihan.

Ace of SpadeWhere stories live. Discover now