Dance
Tapos na ang event. Nag aalisan na ang ibang mga estudyante na dumalo pero ang grupo namin ay nandito pa din sa field.
Its 11:30 in the evening at gustong mag-bar ng mga kaklase ko. Ayos lang naman sakin dahil linggo naman bukas at wala kaming pasok. Lubusin na din ang pag eenjoy dahil gusto kong makalimot.
Napag desisyunan na sa Early Night sa BGC kami pupunta. Nag volunteer na ako na gamitin yung sasakyan ko para hindi kami mahirapan papunta.
Bali dalawang sasakyan ang dala namin, ang isa ay ang sa akin tapos yung isa kay Clark na kaklase din namin.
"Okay, kumpleto na ba tayo?" tanong ko nang nakapwesto na sa loob ang mga sinabay ko.
Walo kami dito sa sasakyan ko, kasya naman dahil Fortuner naman ito kaya malaki ang space. Si Julia ang nasa passenger seat.
Si Hera, Kyle at Nicole ang nasa pangalawang row habang nasa likod si Steve, Evan at Kristine ang nasa likod.
Sumagot naman sila na kumpleto na at ayos na ang pwesto nila kaya naman sinimulan ko ng mag drive. Nasa harapan ko lang ang sasakyan ni Clark para sundan siya papunta doon.
Maiingay at nagtatawanan ang mga kaklase ko sa likod pati na din si Julia habang ako naman ay nakikinig lang sa asaran nila. Hindi pa nga mga nakakainom ay ang iingay na.
"We're here" sabi ni Julia sabay tanggal sa seatbelt niya.
Pinark ko muna ng ayos ang sasakyan bago kami tuluyang bumaba. Pumasok naman din agad kami sa loob ng Early Night.
Maingay ang grupo namin kaya pagpasok palang ay pinagtitinginan na kami. Nasa 15 ata kami kaya naman sa malaking table kami pumwesto.
Umorder ng iba't ibang drinks ang mga kaibigan ko. Halata namang naka inom na ang mga tao sa loob dahil masyado ng wild ang pagsayaw nila.
"Iinom ka Ace?" tanong ni Julia sa akin.
"Oo naman, bakit ba tayo pumunta dito Julia" sabi ko ng natatawa.
At may gusto akong kalimutan ngayon..
"Sige na nga! Ienjoy na natin to!" sigaw ni Julia. "Para sa pagiging single ni Ace!!" dagdag niya sabay angat ng shot niya.
"Wohoooo! Congrats Ace!" sigaw ng mga kaibigan ko at tinaas din ang shot nila.
Natawa naman ako at nakisali sa kanila.
"Cheers!" sabi ko nang tumatawa.
"Chug! Chug! Chug!" pang aasar nila sa akin.
Si Hera naman ay tinapat ang bote ng Cuervo sa bibig ko. Wala akong nagawa kundi hayaang itungga niya ang inumin sa bibig ko.
Napapikit ako pagkatapos noon dahil sa hilo. Para saan ba ang pagpunta ko dito diba kundi para lumimot.
"Wooohhoooo!!"
Hindi ko na mabilang kung nakailang shot na kami ng tequila. Halo halo na din ang iniinom namin. Ang iba kong kaibigan ay wala na sa table at nakikipagsayawan.
Si Julia ay nakita kong may kausap na lalaki sa gilid.
Hindi ko alam kung usap pa ba ang ginagawa nila o naghahalikan na dahil sobrang lapit na ng mukha sa isa't isa.
Si Hera at Kyle naman ay nasa gitna at nagsasayaw. Kulang nalang ay maghalikan ang dalawa.
Bakit lahat sila ang saya saya? Samantalang ako, eto, nandito sa table kasama ang ibang kaibigan na may kanya kanyang kalampungan.
I am in a room full of people but I feel so alone.
Mag-enjoy ka nga, Ace!
Ilang taon mong hindi naranasan yan dahil nakulong ka lang sa relasyon na wala namang pinatunguhan.