Warren POV'sDeri-deritso akong umalis ng bahay ng walang paalam sa magulang ko total wala naman silang pakialam sakin kahit na halos punuin ko na ang bahay namin ng medalya na nauuwi ko mula sa eskwelahan ko wala parin silang pakialam.
Lakad lang ako mg lakad habang nakayuko ng biglang may mabangga akong isang bagay kaya naman agad kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang galit na mukha ni papa.
"Hoy ang tali-talino mo nga lampa ka naman!" Sabi nito na kala mo naman ay kasuklam suklam akong tao.
"Sorry pa!"iyan nalang ang nasabi ko kahit na ang dami kong gustong sabihin.
"Sorry?..lumayas ka nga sa nilalakaran ko nakakairita ka naman!" Sabi nito..i just clench my fist and try to clam my self..baka hindi ko kasi siya matansya at makalimutan kong ama ko siya.
"Anong ingay iyan at rinig hanggang sa loob ng bahay?" Sigaw ni mama
"Ang anak mo ang tanga tanga kasi nakitang nasa harap niya ako hindi manlang umiwas!" Sagot naman ni papa.
"Eh alam mo naman palang tanga iyan e binubunggo- bunggo mo pa!" Sabi ni mama hindi naman na ako nag assume na ipagtatanggol ako ni mama...
"Anong niluto mo!" Pang iiba ng topic ni papa at agad na akong nilampasan para lapitan si mama.
"Tss..eh di iyong paborito mo!" Rinig kong sabi nito.
"Hahahaha kaya kita mahal eh!" Sabi ni papa.
Napatingala nalang ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko..
Wala silang pakialam sa akin..ni minsan hindi nila ako tinatanong kung kumain na ba ako?, nagugutom ba ako?, kamusta ba ako?, ayos ba ako sa school?..wala....tss asa pa ako.
Kaya naman mas pinili kong umalis na.
******
Cafeteria
Tahimik lang akong kumakaing mag isa..sanay na ako..eh kahit sa klase invisible lang ako tss..dito na rin ako nag aalmusal kasi hindi ko gustong kumain sa bahay.May teacher namang pumapasok sa section namin..iyon nga lang..lahat sila eh nagmamadaling umalis dahil ayaw daw nilang maabutan ng killer tsk..mga baliw.Iwan lang sila ng iwan ng mga activities ni isang lesson wala at ang nga kaklase ko oa eh tuwang tuwa.
Akmang isususubo ko na ang pagkain ko ng may mapansin akong taong nakatayo sa harap ko which is sa isang side ng table kung saan ako nakapwesto.Napatingin ako sa kanya..si ebeth lang pala at may dala siyang isang tray ng pagkain niya .
"Tss!" Sabi ko at agad na pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Tabi tayo!" Sabi nito at nilapag ang tray niya sa mesa.
"Bakit mo ako sinasamahan?"tanong ko habang nilalaro ang pasta.
"Para mahawa naman ako sa katalinuhan mo!" Pagbibiro niya
"May kailangan ka ba? Sabihin mo na hindi iyong ganito hindi ako sanay!" Sabi ko
"Wala akong kailangan gusto ko lang na makipagkaibigan saiyo!" Sabi niya.
"Alis na ako magri-review pa ako eh!" Sabi ko at agad na umalis.
********
YOU ARE READING
Mystery of 9 Spolarium(Editing/Revising)
Misteri / ThrillerWhat if the Killer is one of your classmates?do you want to stay on that section?