#9 Crush

654 13 0
                                    


Nakatingin ako sa kanya mula sa malayo habang siya naman ay masayang nakikiusap sa mga barkada niya.

Ang cool niya at naiinis nga ako sa mga babaeng nakatingin sa kanya at halos maglaway. Ako lang dapat eh!

Oo na crush ko siya! ay mali, crush na crush ko siya to the point na obsessed na ako sa kanya..mali ba?

Baka sabihin niyo ang O.A ko naman magka crush pero iyon ako eh.Pero ang mas masakit doon iyong katutuhanang hindi pwede kami sa isa't isa.Malabo period!

Pumuti nalang ang uwak pero kaming dalawa ay impossibling maging isa.Isa siyang pangarap para sakin na hinding hindi ko maaabot.

Nagulat ako sa bigla niyang paglapit sakin.Lahat ng babae automatic na napatingin sakin. Selos sila noh? bleh;)

Lumuhod siya sa harap ko na mas kinagulat ko.  Hindi kaya...magpo-propose siya? oh no hindi ako nakapaghanda!

Maya maya ay nagsalita na siya habang nakangiti sakin.. I'm gonna melt!!!!!!

"Bata saiyo ba tong bola?" Tanong niya habang ipinakita ang bolang nay printed ni hello kitty at wala nalang akong nagawa kundi tumango.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon