#7 Pagpapahalaga

639 5 0
                                    


Sabi daw nila mahalaga raw ako dahil hindi daw sila mabubuhay kung wala ako.

Nakakataba naman ng puso iyon:)

Naglalakad lang ako habang tinitignan ang mga tao sa paligid ko.May kanya kanya silang mundo.Napangiti nalang ako dahil dito. Ngunit nawala ang ngiti sa labi ko ng may masaksikhan akong hindi ko lubusang nagustuhan.

Sa kaliwa ko...

Isang puting parehaba na animoy isang stick na nakasipit sa gitna ng kaniyang dalawang daliri at inilalapit sa kanyang bibig upang siya'y bumuga ng isang mabaho at maduming hangin.

Sa kanan ko...

Mga sasakyan na aakalain mong may paligsahang nagaganap dahil sa nagdadamihan at maruruming usok na lumalabas sa kanilang mga makina.

Ganoon na ba sila?

Kala ko ba mahalaga ako?

Kala ko ba hindi sila mabubuhay ng wala ako?

Eh bakit ngayon ay ginagawa nila ang mga ganitong gawain?

Kapag nandito ako hindi nila ako pinapahalagahan at kapag wala na ako tsaka na nila ako hahanapin

-hangin

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon