🌸 | O16

526 17 5
                                    

Shin's POV

Pagkadating namin sa Batangas ay nagpunta muna kami sa Aria dahil gusto daw ni Hue ng Korean food. Nagaaway na nga si Hyeongseob at Euiwoong kung pagbibigyan nila si Hue o hindi.

"Nako talaga Mina nakaka stress yang mga iyan" sabi saakin ni Daehwi habang inaayos ang kanyang buhok.

"Kasi naman babalik din naman tayo sa Korea pero ayaw ni Hue subikan yung mga Filipino foods." inis na sabi ni Eui. Cute. Wait? Bakit ba ako nakyu-cutan sa kanya? Argh.

"Hayaan mo na kasi!! Iba naman siguro ang lasa ng Korean food kapag nasa Pilipinas!" si Seob naman.

"Tara na lang pumasok sa Aria." sabi ni Jungwoo na nagpatigil sa pag aaway nung dalawa.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay sumalubong saamin si Mark at Raejin. Wow. What a sight-- di ako nagseselos just saying.

"Oh Hue nandito din kayo?" tanong ni Raejin. Inisa-isa niya ang tingin saamin kaya bahagya akong napayuko.

"Yep! Trip lang namin-- di niyo kasama si Jeno?" -Hue

"Uhh kasama si Jaemin at Renjun sa isang shooting para sa magazine." si Raejin uli. Bakit hindi nagsasalita si Mark? Hindi niya ba kami maintindihan? Kawawa naman siya kung ganoon.

"Sige mag-oorder pa kami." sabi ni Daehwi. Nginitian lang siya ni Raejin.

"Oo aalis na din naman ako-- sa inyo na muna si Mark." saad niya. Tiningnan ko si Mark at mukhang malungkot siya. Hala? Anong nangyari dun?

Sila Hue at Daehwi ang nagoorder samantalang si Eui at Seob naman ay nag ccr. Sa harap ko ay si Mark at sa tabi ko ay si Jungwoo.

"Mark kamusta ang dream?" tanong ni Jungwoo.

"A-ayos lang h-hyung." medyo kinakabahang sabi ni Mark.

Dumating sila Hue na dala dala ang pagkain.

"Didiretso tayo sa pet shop okay?" sabi ni Daehwi. Sumang-ayon na lamang kami.

"Mark bakit di ka nakain?" tanong sa kanya ni Hue. Umiling lamang siya. Ano ba ito? Pipi? Ba't parang ang shy niya ngayon?

"Uhh I --" di natapos ang sasabihin ni Mark dahil biglang nasamid si Hyeongseob.

"HALA!! TUBIG!!" sigaw ni Euiwoong.

"Omg." si Jungwoo at Daehwi naman.

"Bruket niyo kashe di shinabe shaakin na di paluh eon egg yolks?!?!" galit na sigaw ni Hyeongseob.  Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero patuloy parin si Hyeongseob sa pagsasalita.

"Shabe ko namon sha inyo ayaw ko na boiled yung eggsh ko!!"

Natawa naman kaming lahat kay Hyeongseob.  Dahil sa sobrang ingay ni Hyeongseobay pinalabas kami ng Aria at nakakaistorbo daw kami sa ibang costumers.

Nagpatuloy ang byahe at kasama na namin ngayon sa van si Mark.

"Saan nga ang sunod?" tanong ni Eui.

"Pet shop!" sabi ni Daehwi with matching palakpak pa.

Nang makadating na kami sa petshop ay may kanya kanya na agad kaming pinuntahan.

"Ikaw jungwoo anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw." sabi ni Jungwoo. May narinig naman akong umubo sa likod. Si Mark pala na may hawak na straw. Wait straw??

"Oy! Bibilhin ko na si kuya Doyoung ang cute kasi!" sabi ni Hue habang tinitingnan ang balck and white na rabbit.

"Ang bibilhin ko ay itong sisiw para madaling dalahin." sabi ni Daehwi.

"May eggs pa sila dito? Kung meron, iyon ang bibilhin ko." seryosong saad ni seob. Jusko po.

"Ikaw Mark?" tanong sa kanya ni Jungwoo.

"Uhm ito na lang pusa, parang si Jeno ang cute." sabi ni Mark habang nakatingin sa pusa. Wow ang galing niyang magtagalog ah? Tinuruan na kaya siya ni Raejin?

Nakabayad na ang lahat maliban kay Mark.

"Kasi utoy, ay are ay buy one get one. Naintindihan mo ga?" tanong ni manong na nagbebenta sa petshop. Nahalata naman ni Jungwoo na hindi naintindihan ni Mark ang sinabi nung matanda kaya tinranslate niya ito sa Korean

"Ahh. Ok. The other one is for you." sabi ni Mark.

"Hue? ako?" tanong ni Hue habang tinuturo ang sarili niya.

"Hindi, si Shin ang tinutukoy ko." sabi ni Mark.

"Sino si Shin?" takhang tanong ni Hyeongseob habang nakain ng balot.

"Shin? Si Mina!" sabi ni Mark.

Napakamot na lang sila sa kanilang mga ulo.

"Okay, I'll pay." sabi ni Mark.

"Utoy pwede kong bigyan ikaw ng parang ilalagay sa li-eg? Yung pangalan sa pusa. Anong pangalan niyang mga pusa mo?" tanong ni manong.

"Uhm Minmin and  Shiyung" -Mark

"Ano kamo? Minmin at see you?" -Manong

"Shiyung. S-H-I-Y-U-N-G." sabi pa ni Mark.

"Ah baga, dapat ay sinabi mo agad." sabi ni manong habang inaayos ang cat tag nung mga pusa namin.

"Girl and boy." nakangiting sabi ni Hue.

"Naks, may anak na agad kayo ni Mark." pang-aasar ni Daehwi. Si Jungwoo naman ay tahimik lang.

Binigay saakin ni Mark si Minmin (yung lalaking pusa) at sa kanya naman si Shiyung (yung babaeng pusa).

"Pero totoo nga yung sinabi ni Mark. Para talaga iyang si Jeno kapag nag a-eye smile." tatutuwang sabi ni Hue habang hinahaplos si Dong -- yung rabbit.

Si Daehwi naman at yung sisiw niyang kulay violet kaya ng kulay ng kanyang buhok ay nagpapahinga.

Si Hyeongseob ay ubos na ang balot at si Euiwoong ay nakayakap sa kanyang ibon na si Seong.

Ang binili ni Jungwoo? Isang aso na puti at ang pangalan ay Snoopy.

What a tiring day. Nagpahinga muna kami sa isang coffee shop bago tumuloy sa byahe. Kawawa naman si Jungwoo.  Pagod sa pagdradrive.

"Hyung ako na." sabi ni Mark. Tumango na lang si Jungwoo at lumipat sa kaninang inuupuan ni Mark.

Nagising ang diwa ko. Nako baka maligaw pa kami...

❛ ʲᵒʷᵃ ً ˡ‧ᵐʰTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon