🌸 | O25

441 12 0
                                    

Shin's POV

"Magsisimula na ang practice ng mga magpeperform... gaya ng sinabi ko sa group chat-- hindi makakapag perform si Koeun dahil may LBM at si Lucas at paos. Supposedly, we have two representatives from our sections pero iisa na lang." pag eexplain ng aming adviser. As usual, wala nanaman si Mark.

"Shin, doon kayo sa music room magprapractice, the rest.. May klase kayo at mag rereview para sa monthly examination." napadaing naman ang aking mga kaklase sa sinabi ni ma'am.

I rolled my eyes. Ano yun mag prapractice akong mag-isa?

Sumilip muna ako sa music room. Narinig ko ang boses ni Mark.

Ang ganda naman ng boses ni Mark. So iyon pala ang dapat nilang kamantahin ni Koeun?

I knocked before I entered the room.

"Morning." bati ko sa kanya at sa instructor namin.

"Oh? Hindi si Koeun?" tanong nung instructor.

"Ahh... may LMB po kasi si Koeun." sabi ko. Tinabi naman ni Mark ang kanyang gitara at. Tiningnan ako pero umiwas din agad siya ng tingin.

"Sabagay, mas cute kayong tingnan-- oh saglit lang at may natawag saakin." sabi nung instructor at iniwan kami ni Mark na mag-isa. Awkward silence.

"Uhm.. ano ba dapat ang kakantahin niyo ni Lucas?"

"A midsummer night sweetness. " nakangiting saad ko. Ngumiwi siya.

"Ang dapat kakantahin namin--"

"Hearts Don't Break Around Here, I know, I heard you."

Katahimikan... nanaman.

"Ano ang ipeperform natin?" tanong niya.

"Yung amin na lang ni Lucas... maganda yun para  may rap. Diba magaling kang magrap?"

"Oo? Pero hindi ko alam kung anong rap noong kantang iyon." pagdadahilan niya.

"Ahh.. si Lucas kasi ang gumawa ng sarili niyang rap tapos tinono niya sa rap ng kanta."

"Puro Lucas" sabi niya ngunit hindi ko ito masyadong narinig.

"Uhm. Sige yung inyo na lang ni Koeun." bawi ko.

"Hindi... gawin natin pareho tutal magpeperform din naman tayo bilang mc." sabi niya. Muntik ko nang makalimutang mc nga pala kami.

Pagkatapos noon ay naging abala na siya sa pag-gagawa niya ng rap sa tabi ko. His phone vibrated.

Jowa is calling
answer|decline



❛ ʲᵒʷᵃ ً ˡ‧ᵐʰTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon