🌸 | O56

328 9 0
                                    

To Mina

can we meet? sa canteen, sa upuan natin dati

sent

-

Nagmadali si Mina papunta sa canteen ng dating unibersidad na pinasukan niya. Naging madali lang sa kanya ang pagpasok dito dahil magkakaroon ng basketball match ngayon ang SMU at ang school niya ngayon.

"M-mark." hingal niyang sambit sa pangalan ng lalaking noon ay nagustuhan niya.

"Mina, a-anak mo ba si Dondon?" nahihiyang tanong ni Mark sa kanya.

Bumili muna si Mina ng inumin at umupo sa tapat ni Mark.

"Of course." natahimik si Mark sa sinabi ni Mina. "Of course not!" sabi ni Mina at hinigop ang kanyang inumin.

"B-boyfriend mo ba si Daniel hyung?"

"Mark ano ba namang klaseng tanon--"

"Boyfriend mo?"

"Hindi nga kase. Pinsan ko siya at step brother ko si Dondon, okay?" pagklaro ni Mina.

"Okaaaay! Pwede na ba akong manligaw?" tanong ni Mark.

Natahimik naman si Mina at napatitig kay Mark na ngayon ay seryosong seryoso na. Kinakabahan naman si Mark dahil maari siyang hindi-an ng dalaga.

"Ask my parents first." magsasalita sana si Mark na wala nanaman ang mama ni Mina pero may dinagdag pa si Mina. "Ask my appa and my daddy."

Napalunok si Mark. Alam niyang magiging mahirap ang kausapin ang dalawang ama ni Mina dahil maaring strikto ang mga ito.

"F-fine."



❛ ʲᵒʷᵃ ً ˡ‧ᵐʰTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon