🌸 | O44

374 7 0
                                    

Mina's POV

"Mina!" tawag saakin ni Jes. Kasama niya si Ella samantalang kasama ko naman ay si Yerim.

"Oh? Tara na?" tanong ni Ella. Bitbit niya  ang mga magazine na papipirmahan namin sa NCT.

"Balita ko school fest daw ngayon doon!" excited na saad ni Jes habang natalon pa.

"Nandoon kaya talaga sila?" negatibong sabi ni Yerim.

"Kahit kailan talaga Yerim!" sabi ni Ella. Sumakay na kami sa kanilang van.

"Kuya... paki laksan nga po ng radyo." sabi ni Jes. Ang huling nagplay ay 'Written by the Stars' ni Wendy at John Legend.

"Riding on the
Riding on that Van~~~~" pagkanta ni Ella at Jes. Himapas naman sila ni Yerim.

"'Pag di kayo tumahimik diyan, pauuntugin ko kayo."

Suot suot ang mga id namin, pinapasok na kami ng guard. At gaya ng sabi ni Jes, school fest nga.

Nakasalubong ko si kuya Seongwoo habang kasama niya si Daniel-- nasanay na akong hindi nagkukuya sa kanya.

"Oh? Mina-ssi!"

"Ong-ssi!" bati ko pabalik

"Kamusta? Balita ko si Dongsook na daw ang naging kapartner ni Mark sa pageeMC noon?"

"Ah, hyung, si Mina Kang, pinsan ko." sabi ni Daniel.

"K-kang?!?! W-woah! Pero grabe Mina tumangkad ka at nag pa black ng buhok?" - Ong-ssi

Napahawak ako sa buhok kong hindi ko parin pinapuputulan.

"Teka teka!! Ikaw na lang kaya ang MC ngayon? May pupuntahan pa kasi kami ni Danik eh. Okay lang ba?" nakangiting tanong ni Ong ssi

"A-ah--"

"Salamat Mina!!" tapos hinila niya papa-alis si Daniel.

Hinampas naman ako ni Jes.

"Ikaw ha! May gwapo ka palang pinsan hindi mo sinasabi!"

"Mas bet ko yung isa." sabi ni Ella. I sighed. Binatukan naman ni Yerim yung dalawa.

"Nandito tayo para sa magazines, baka nakakalimutan niyo."

"Opo madam HAHAHA." sabay na sabi nung dalawa. Mga baliw.

"Shin?" napalingon ako at nakitang si Jungwoo iyon.

"Zeus!!" yayakapin niya sana ako kaso hindi ko agad iyon napansin dahil inapiran ko na lang siya.

"Napadpad ka dito?"

"Ah, para sa magazines--- ay eto nga pala si Jes, Ella at Yerim. Pwede mo bang pirmahan yung magazines?" sunod sunod na sabi ko. Tango naman siya ng tango habang nakangiti parin.

"Yerim, yung magazine." tawag sa kanya ni Ella pero di parin siya natinag sa pagtitig kay Jungwoo.

"Ehem. Yerim. Magazine." ulit pa ni Jes. Natawa na lamang ako kay Yerim. Nang matauhan siya ay dali dali niyang inabot iyon kay Jungwoo.

Pinakiusapan ko din si Jungwoo na papirmahin sana yung iba ding members at hindi naman siya humindi.

"Ah nasa backstage yung iba." paliwanag niya. Magkakahiwalay kasi sila dahil may kanya kanya silang performances.

Pagkadatinfmg sa backstage ay sumalubong saakin ang isang pusa. Meow siya ng meow saakin.

"Crush ka ata nung pusa, Mina." asar saakin ni Ella.

Lumuhod ako para hawakan yung pusa.

Shihyung

Ito ba yung binili namin dati?(¤16¤) Na kay Mark padin si Shihyung? Kunsabagay, nasaakin padin naman si Minmin.



❛ ʲᵒʷᵃ ً ˡ‧ᵐʰTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon