🌸 | O55

353 7 0
                                    

Mark's POV

Pinuntahan ko ang dating address ni Mina pero walang tao doon.

"Oh napapunta ka dito?" tanong saakin ng isang matandang babae.

"Hinahanap ko lang po ang kaibigan ko."

"Hindi ba nasabi sa iyo? Nagkaroon ng away diyan. Ang balita ko, hindi daw totoong ama ang lalaki tapos may  na mga body guards at sinundo ang magkapatid!"

"Talaga po?"

"Oo! Halos palaging nasa bahay ng magkapatid yung lalaki ang alam ko ay kapatid niya ang ina ng mga bata."

"Sige po salamat po."

Umalis na ang matanda kaya aalis na rin sana ako kaso may biglang kumalabit saakin.

"M-mina."

"Mark anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Sa likod niya ay may dalawang lalaki at ang isa doon ay pamilyar saakin. Siya ang "appa" ni Mina.

"Bibisitahin sana kita."

"Lumipat na kami. Eto ang bago naming address." inabot niya saakin ang isang papel.

Pumasok sila sa loob ng bahay habang ako naman ay naiwang nakatunganga sa labas.

Manager hyung calling...
accept | decline

["Mark nasaan ka?"]

"Nasa tapat po ng bahay ng ... kaibigan ko"

["Bilisan mo at kanina pang tinatanong ng media kung susunduin mo ba daw si Dongsook sa bahay para sa press conference niya."]

"P-po?"

["Magkakaroon ng press si Dongsook, kailangan mo siyang sunduin."]

"Saan po?"

["Sa bahay nila, may mga media, hinihintay ka nila pati rin si Dongsook hinihintay ka."]

Sa huling pagkakataon, magpapanggap akong boyfriend ni Dongsook.

Simula bukas ay liligawan ko na si Mina. Seryoso na ito at totoo. Matagal ko nang gusto si Mina pero pinangunahan lang ako ng kaba. Ngayon ay magiging matapang na ako.

Pagkapunta sa bahay nila Dongsook ay inatake muna ako ng media.

"Saan ka ba nanggaling Mark?"

"Sa isang bahay lang po."

"Bakit ba kasi ang tagal mo?"

"May inasikaso lang po."

Sa sobrang daming nag-iinterview at sa daming flash ng camera ay medyo nahilo ako. Idagdag pa ang sikip dahil sa mga taong nasa bahay ni Dongsook. Halos hindi na ako makahinga at pagod pa ako galinh sa practice.

"Akala mo ba Mark dahil nag-eenglish ka ay astig ka na?"

"Maging responsable ka namang boyfriend."

"Galingan mo pa ang pangit ng mga lyrics mong ginagawa."

Puro masasakit na salita ang mga naririnig ko sa kanila kaya imbis na dumiretso sa bahay nila Dongsook ay lumabas na ako.

To Manager Hyung

Hyung pakisabi sa media na wala na kami ni Dongsook. NGAYON na.

sent

From Manager Hyung

Anong nangyari? Ayos ka lang ba?

reply

To Manager Hyung

Puro masasakit na salita po ang natatanggap ko sa media. Nakakasawa na hyung

sent

From Manager Hyung

Pasyensya na Mark. Hayaan mo at kakausapin ko ang CEO ng kompanya para wag ka nang pagawin ng mga ayaw mo.

reply

To Manager Hyung

Salamat Minhwi Hyung.

sent

From Manager Hyung

Walang anuman Minhyung.



❛ ʲᵒʷᵃ ً ˡ‧ᵐʰTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon