Nakaupo ako sa duyan habang malalim ang iniisip, iniisip kung kelan ka babalik.Lumipas ang oras, araw, buwan, taon, pero hindi ka man lang bumalik sa ating tagpuan.
Miss na miss na kita, sana ganoon din ang nararadaman mo tuwing mag-isa ka.
Naalala ko na nama ang ating nakaraan, na kay sarap balikan.
Nasaan ka naba? Hinahanap kana nang puso ko na mahina nang tumitibok kase hindi na kita nakita pa.
Marami akong ikwe-kwento sayo na tiyak magugustohan mo, marami akong gustong sabihin sayo na tiyak gagaan ang pakiramdam mo. Kaya sana magpakita kana..
Pero sa tuwing ina-alala ko ang sitwasyon nating dalawa, sa isip ko palang parang masyado nang malabo.
Ayaw ko man tanggapin pero 'yun ang totoo, at wala na akong magagawa doon.
Pero hindi ako sumuko, dahil umaasa ako na babalikan mo ako. Na isang araw, makikita kita sa ating tagpuan, dito mismo sa lugar kung saan tayo nagkilala.
Ayokong sumuko, lalabanan ko ang isip na siya mismo nagsabi na "tama na, hindi kana babalikan 'non".
Gusto kong ipaglaban kung anong meron sa ating dalawa. Gusto kong ipakita sa kanila na kahit ta-tanga ako sa pagibig, wala silang magagawa.
Kase mas ginusto kong sundin ang sinasabi nang puso ko, kesa sinasabi nang utak ko.
Gusto kong ipaglaban ang nasimulan nating dalawa, gusto kong ipatuloy ang naudlot nating relasyon simula nong dumating siya.
Hihintayin kita, kahit ano mang mangyari. Hihintayin kita, kahit man tawagin nila akong tanga. Hihintayin kita, kahit alam kong pagod na ako. Hihintayin kita, kahit gusto ko nang sumuko. Hihintayin kita, kahit pagod na pagod na ako.
Hihintayin kita, kahit pa anong mangyari makita lang kita.Pero sana, ang lahat nang sakripisyo ko ay maramdaman mo sana. Na kahit ganito ako, ikaw lang minahal nito. Tanging ikaw lang ang nagpapatibok nitong puso ko.
Hihintayin kita, kahit tumanda pa man ako. Hihintayin kahit, mabaliw pa ako. Hihintayin kahit, sumuko na ang katawan ko.
Sa huling pagkakataon, sana pumunta ka kung saan nagsimula ang ating storya.
Hihintayin kita, dito sa tagpuan nating dalawa.