"Hey. Busy ka?"
"Patulog na actually. Bakit?"
"Ah, sige. Tulog ka na, sensya sa abala"
"Nahiya ka pa at kelan ka ba naging abala saken ha"
"Di ako abala kase mahal mo ko?"
"Di ka abala kase importante ka sakin kasi MINAHAL naman kita"
"Sakit ha"
"Biro lang. Ano pala itatanong mo, anong oras na rin oh"
"Tanong ko lang kung nung naging tayo ba, naging enough ba ko?"
"You're more than enough"
"So bakit mo ako iniwan?"
"Yan nanaman ba pag-uusapan natin? Akala ko ba may closure na? Akala ko ba okay na tayo?"
"Akala ko rin eh, pero masakit parin pala. Pasensya kung minahal kita at kung namimiss kita ha, tang ina di ko rin mapigil eh""Lasing ka ba?"
"Naka-inom lang nang kaunti"
"Hays naka-uwi ka na ba? Baka mapano ka nyan, kung saan saan ka pa naman natutulog pag lasing ka."
"Di nga ako lasing"
"Kahit na umuwi ka na. Wala na ko sa buhay mo para alagaan ka"
"Stop showing your concern for me, please? Baka habu habulin nanaman kita. Keep kita forever kahit ayaw mo na bahala ka"
"Tutulog na ko. Matulog ka na rin"
"Can you lend me at least a few more minutes? Just hear me out. Last na to promise."
"3 minutes"
"Alam mo kauuwi ko lang actually. Galing kami doon sa bar na dati nating pinupuntahan, alam mo yun yung may naka-away pa ko kasi grabe tingin sayo. Uminom nang kaunti tapos umuwi na rin. Nag shower ako pagkauwi, tapos nahiga. Kinuha ko phone ko para i update ka na naka-uwi na ko at kamustahin ka gaya nang ginagawa natin gabi-gabi dati kaso naalala ko---wala na palang tayo... tang ina ang sakit biglang off ako ng phone ko eh"
"2 minutes"
"Kaya ginawa ko nagpatugtog nalang ako. Kaso saktong pagka shuffle ko ng playlist ko yung kantang ni recommend mo pa sa akin yung tumugtog. Nagulat ako. I was about to skip it kaso tumugtog na instrumental and I decided to listen. Ayun nga, namiss kita. Naalala kita, yung dating tayo. The time when you love me the most"
"Last minute"
"As I listen to it, na miss kita nang sobra. These past few days, hindi na kita gaanong na-aalala. Nakakaya ko nang hindi bisitahin timeline mo, nakakaya ko nang hindi titigan pictures mo, nakakaya ko nang hindi i-view FB and IG stories mo, nakakaya ko nang hindi mag share ng memes about sayo. Akala ko okay na ko, na naka move on na ako sa'yo, kaso hindi pa pala. Isang kanta lang, back to zero agad ako sayo. Ala-ala mo lang, lugmok nanaman ako. Lagi nalang ganito, one moment pakiramdam ko wala ka nang epekto sakin, moment after iniiyakan nanaman kita"
"30 seconds"
"Habang nag pla-play yung kanta, napa basa ako ng conversation natin. Sabi ko dinelete ko na convo natin kasi ayaw mo kong nahihirapan diba? Dinelete ko kasi sinabi mo, pero I took screen shots of them kasi ayaw kong kalimutan ano namagitan satin. Tang ina grabe iyak ko sa pag-uusap natin. Ang ayos-ayos, ang saya saya. Tadtadxpa tayo ng iloveyous at lsm. Tapos ngayon ganito tayo. Tang ina talaga, Mahal na mahal parin kita, alam ko dapat di ko na sinasabi pero pasensya ka na sakin, hindi ko matiis"
"Tapos ka na?"
"Tayo ba, tapos na talaga?"
"Matagal na"
"Sabi mo ayaw mo ko mawala. Pero bakit nung hindi na ko mawawala ikaw naman umalis? Unfair mo rin eh"
"Kasi di na ko masaya. Sa relationship dapat pareho kayong masaya, diba? Sa atin, mahal kita kaso hindi na ako masaya. Ikaw lang masaya. Dumating na ko sa point na kunwari tulog na ko pero ino-off ko lang chat availability ko dahil ayaw muna kita maka-usap. Sinasakto ko pag online mo tsaka ako mag o-offline. Sawa na ko sayo"
"Shet, Ba't ang sakit?"
"That's for your own good. Napakabuti mong tao, marami pang magmamahal sayo. Kaya please do me a favor. Next time na kakausapin mo ko, wag na natin pag-usapan yung atin. Wag mo ikulong yung sarili mo sa akin dahil kahit ano gawin mo, ayoko na. Let go mo na kasi ako, please? Deserve mo sumaya. Wag ka na maghintay sakin, dahil hindi na ko babalik"
Ctto Josh Gonzales