Gaze in Love

2 0 0
                                    


Dedicated to: Zein

"Ang sakit pala talaga, hindi ko parin matanggap." Sabi ni Zein. Halata sa kanyang tono ang sakit na nararamdaman niya.

"Umasa ako eh, kase akala ko ako na. Kase ganon din ang pina-paramdam niya. Pero bakit ganon? Bakit siya?" Pumatak ang isang butil ng luha galing sa mata niya habang naka-titig sa akin.

"Tang ina naman, kung alam ko lang. Sana... Sana simula pa lang iniwasan ko na, sana hindi na ako nakiki-pagusap sa kanya." Pinahid ni Zein ang luha niya at humiga sa kama.

Naawa ako sa kanya kase ganon din ang nararamdaman ko. Kase naranasan ko din ang sakit na nararamdaman niya.

Bumuntong-hininga ako at tumayo at sumindi ng yosi. Nakatingin sa labas habang iniisip siya.

"Sa una pa lana, Zein. Alam kong talo kana. Pero sa tuwing nagku-kuwento ka sa kanya, nakikita ko ang saya at tuwa sa mga mata mo." Panimula ko. Hindi ko siya nilingon pero alam kong hindi siya naka-tingin sa akin pero nakikinig siya.

"Hindi mo naman kase pwedeng pilitin yung taong piliin ka. Hindi ganon ang pagmamahal, Zein." Humithit ako sa yosi at pinatay ito tsaka lumingon sa kanya.

"Pero alam mo naman eh, kita mismo ng dalawang mata mo, Lean. Alam mo 'yun, alam nating dalawa 'yun." Napa-upo siya at tumitig sa akin habang patuloy na pumapatak ang luha galing sa mga mata niya.

"Huwag mong pilitin ang taong piliin ka. Pipiliin ka ng tao dahil mahal ka." Sabi ko at umupo sa kama---sa tabi niya.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi niya at nginitian siya.

"May be there's someone who really want to be with you, who wanted to choose you." Sabi ko sa kanya.

"At sino naman 'yun?" Sabi niya.

"Hindi ko alam, hindi mo alam. Masyado ka kasing focus sa lalaking iyon kaya pati mundong ginagalawan mo wala kanang paki-alam." Alam kong masakit 'yun, but she know i am correct.

"Don't get attached easily, nor in love. The more you love a person, the more it hurts." Sabi ko sakanya at tinitigan siya sa mata.

"Malas ka man ngayon, but i know someday... Someone's gonna take his place." Sabi ko at ngumiti naman siya. Kaya napangiti na din ako.

"Wait for the true love. Kahit gaano man katagal basta tamang tao, Zein. Worth it ang paghi-hintay." Ginulo ko ang buhok niya kaya napasimangot naman siya.

"Let karma do it's job. Let him go, forgive and forget. Acceptance, Zein. Acceptance." Sabi ko at tumayo.

"Tama nga naman." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya at tumango.

"You needed to lose him, to find yourself. You needed to hate him to love yourself and people around you." Sabi ko at tumingin sa labas.

"Pinalayo ka ng panginoon sakanya, sa pamamagitan ng nasaktan ka. Kase alam niyang hindi siya ang tamang tao para saiyo." Huling sambit ko.

One Shot'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon