First day ng school, pero late na ako. Naririnig ko na si Mrs. Pacifico, principal ng Goldridge Montessori, na ngawa nang ngawa sa auditorium. Siya ang tipo ng tao na maikli lang naman ang point, ang dami pang sinasabi.
Nagmamadali akong kaladkarin ang bag ko papunta sa auditorium. Ako na lang ang mag-isa sa hallway. Matatakot na sana ako kung hindi lang ganito kabigat ang dala ko. Saan ba kasi gawa ang mga libro ngayon, sa bato?! Ano ba---
"Ay put----"
"Hey, are you okay?" sabi ng nakabunggo sa akin.
Ah, napaupo yung pwet ko, lumipad 'yung higante kong bag at nabagsakan ako sa mukha, tapos tatanungin mo kung okay lang ako?
"Yeah I'm fine, thanks for asking," ang sabi ko naman, kahit naiirita na ako. Syempre ayaw ko naman mapagalitan unang araw pa lang. Dali-dali kong binuhat ang aking bag at pumasok na sa auditorium na hindi man lang tinitingnan ang bumunggo sa akin.
All I can say is, kung sino man ang nakabunggo sa akin, ang husky at baba ng boses niya. Yung boses na pang-sexy at machong lalaki. But then again I can be wrong. Minsan nga, sa mall, kilig na kilig ako kasi may lalaki na hawig ni Xian Liam kapag nakatalikod, sabay 'pag harap... sabihin nalang natin na muntik na akong makapatay ng tao sa sobrang inis at disappointment.
Kasing gwapo kaya ni Mr. Mystery Guy ang boses niya?
BINABASA MO ANG
To Sir With Love
RomanceAko si Ela Aquino. 17. Senior sa Goldridge Montessori. NBSB or No Boyfriends Since Birth. Bakit? Hindi naman kasi ako malandi tulad ng iba diyan na linggo-linggo may bagong boylet. Pero, nung umeksena na sa drama ng buhay ko si Keith Alonzo, ang fre...