Chapter 3: Ms. Tisod

86 1 0
                                    

"Klase, dahil orientation week ngayon at unang araw natin ng Filipino, magpapakilala tayo sa isa't isa. Sasabihin niyo sa harap ng klase ang buo niyong pangalan, ang gusto niyong itawag sa inyo, at tatlong bagay na tungkol sa inyo," paliwanag ni Sir Alonzo. 

Forty kami sa klase. Ah matagal-tagal 'to ah, sabi ko sarili ko. Pero dahil na rin alphabetically arranged kami, at sa nagsisimula ang last name ko, isa ako sa mga mauuna. 

"O ako muna ha," sabi ni Sir Alonzo. 

Nagtilian ang mga malalandi kong kaklase. Nagkunwari na lang si Sir Alonzo na wala siyang narinig. Ganun talaga ang mga teachers diba?

"Ako si Keith Ray Alonzo, pero tatawagin niyo akong Sir Alonzo. Ang tatlong bagay tungkol sa akin ay una, dalawampu't-dalawang taong gulang ako. Ikalawa, ako ay nagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Ikatlo, black-belt ako sa Taekwondo, kaya mga babae, 'pag may nangmanyak sa inyo na lalaki niyong kaklase, alam niyo na kung sino ang tatawagin," sabi niya.

Tumawa nang malakas ang buong klase. 

Tiningnan ko ang paligid ko at napansin ko na lahat ng mga babaeng kaklase ko ay titig na titig kay Sir Alonzo. Lahat sila namumula! Kulang nalang maglaway. Tsk, tsk, tsk, malalandi talaga. At least ako nakatitig lang haha! 

Okay, aaminin ko na. Gwapo talaga si Sir Alonzo eh. Matangkad, muscular (halata yung muscles niya sa polo niya), tan, at maamo ang mukha. Matangos ang ilong at kakaiba ang hugis at kulay ng mata niya... light brown. Ang ganda pa niya ngumiti, napaka-natural! 

"O class number one, ikaw na!" sabi niya sa seatmate ko na malandi.

Dahan-dahan siyang naglakad sa gitna ng klase, pakendeng-kendeng. Ano 'to fashion show?! Runway?! Runway?!

"Ako si Isabella Trizia Vidanes, pero tawagin niyo nalang ako na Bella. Uhm, tatlong bagay about me--"

"Bella, Tagalog lamang ang maaaring gamitin tuwing Filipino."

"Ay pasensiya na po Sir Alonzo!" bungisngis niya. "Mas sanay po kasi ako sa English eh."

"Anyways, uhm, tatlong bagay tungkol sa akin ay una, kapatid ko si Yuri Vidanes, lead vocalist ng Gabriela. May concert nga po sila mamaya eh --- sold out! Tapos pangalawa, mahilig ako sumayaw at kumanta. Pangatlo, gusto ko maging artista 'pag laki ko!" sabi ni Bella, sabay bungisngish nang malandi ulit.

"Ah, sigurado naman na magiging artista ka 'pag nagtapos ka. May.... X Factor ka!" biro ni Sir Alonzo, na kinatuwa naman naming lahat. Namula na naman si Bella at bumungisngis bago naupo sa upuan niya.

"O ngayon, sino na ang sunod na magsasalita?"

Tumayo ako mula sa upuan ko at naglakad papunta sa harap nang dahan-dahan. Bigla kasi akong kinabahan. Baka kung ano pa ang masabi ko tapos---

SPLAT!

Ayayay, nadapa ako! Sa harap pa ng buong klase at kay Sir Alonzo! Grabe nakakahiya talaga...

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Sir Alonzo, sabay alok sa kamay niya. Kinuha ko naman ito at hinila niya ako para makatayo.

Naririnig ko na lahat ng mga kaklase ko tumatawa. Tapos may naririnig pa akong "Ms. Tisod" at "lampa." Namula ako lalo sa hiya.

"Sir Alonzo okay lang po ako. Talagang madalas lang po ako matisod at madapa," sabi ko sa kanya sabay ngiti, kahit ang sama talaga ng loob ko. Gustung-gusto kong balatan ng buhay lahat ng mga kaklase ko ngayon. 

Naglakad nalang ako sa gitna at nagsalita ng mahina.

"Ako si Raphaela Aquino, pero tawagin niyo nalang akong Ela."

"Ms. Ela Tisod!" sabi ng isang kaklase ko na nasa likod. Si Ben. School bully. Nagtawanan ang lahat.

Nanlisik mga mata ko. GUSTO NIYO NANG LABAN HA. SIGE, GAME.

Ngumit ako nang malaki, na parang wala akong narinig. "Ang tatlong bagay tungkol sa akin ay eto. Makinig kayo mabuti ha? Una, ako ang nag-iisang anak ni Rose at Greg Aquino, oo ang Rose at Greg Aquino na may-ari ng Olympia Group of Companies. Pangalawa, co-owner kami ng school na'to kaya pangatlo, kaya ko kayo lahat ipa-kick out dito."

Naglakad ako pabalik sa upuan ko. Sobrang tahimik na ng classroom. Nanlaki mata ni Bella sa akin. Pati rin si Sir Alonzo natigilan. 

Sir Alonzo suddenly cleared his throat to clear the silence. "Uh, tumayo na ang class number 3."

Pagkatapos nang matagal na oras, natapos na rin silang lahat magsalita. Pagkatapos ng outburst ko kanina, tumahimik na talaga lahat. Tapos hindi na rin nagbiro si Sir Alonzo. Nag-guilty ako bigla. 

Pagkatapos ng bell, at nagsitayuan na ang lahat, hinabol ko si Sir Alonzo para magsorry sa ginawa ko sa klase. Eh kaso ang bilis niya maglakad, so medyo nahirapan ako.

"Sir Alonzo! Sir Alonzo!" sigaw ko sa kanya, pero di niya talaga ako marinig at malayo na siya.

"Sir Al----"

SPLAT!

Lecheng buhay 'to. Nadapa na naman ako. 

Pag-angat ko nang ulo ko, nakatingin siya.

It's official. Ako na talaga si Ms. Tisod.

To Sir With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon