Chapter 5: I like you.. I like you not..

56 1 2
                                    

*Briiiingggg... Briiiingggg* 

Hay naku! Monday na naman, ang pinaka ayaw ko na araw. Second week palang 'to ng iskuwela pero tila ako'y bagot na bagot na. Pwede ba mag-fast forward sa sembreak? 

Ako'y tumayo na sa aking higaan upang tumungo sa kusina para kumain na ng breakfast. Grabe, abot dito sa kwarto ang amoy ng eggs and bacon. Yummy!

"Good morning, Ela" ,bati saakin ni mommy. "Eat your breakfast na at baka malate ka pa sa school." 

"Yes, mommy." ang aking sagot. Bigla kong napansin na wala si daddy sa bahay. "Mom, where's daddy?" 

"Ah, nakalimutan ko nga pala sabihin. Nag out of town ang daddy mo. Kailangan kasi siya sa Cebu for one week eh." sagot ng aking mommy. 

Tumango nalang ako at nagmadaling kumain ng aking almusal. Pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo. Binuksan ko ang heater dahil hindi ako naliligo sa umaga na malamig ang tubig. Pagkatapos maligo ng 30 minutes ay tumungo na ako sa aking kwarto upang magbihis sa aming school uniform. At dahil umuulan at malamig ang panahon nung araw na iyon ay naisipian kong magsuot ng jacket.

7 A.M. na ng ako ay makarating sa school. 5 minutes before the bell! Habang ako ay naglalakad sa hallway patungo sa classroom ay nakasabay ko si Daniel. 

"Good morning, panget!" wika ni Daniel. Aba 'tong si Daniel. Ang aga-aga ay nang-aasar na agad! Pasalamat siya good mood ako ngayong umaga kung hindi baka natadyakan ko na ito.

"Good morning, asungot." sagot ko sakanya. At nag-asaran kami hanggang makarating kami sa aming classroom. Ang gawain ko tuwing pagkadating sa school ay baba yung bag sa upuan, tignan kung ano ang first five classes tapos punta sa locker area para kunin ang mga librong kailangan. Naging part na yan ng aking daily routine eversince tumungtong ako ng highschool. 

*Briiiiiinnngggg Briiiiinnngggg*

At nag-ring na ang bell ng exactong 7:05. Sa gantong oras kami mag-liline up papunta sa level assembly para mag-Morning Talk. Kami ay inaasahang magdasal tuwing Morning Talks.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagdarasal ay inannounce na ni Mrs. Gonzaga ang schedule para sa week na ito. "On Wednesday, 2:30 P.M., we will all gather in the auditorium for the club selling. On that day also will be the choosing of clubs. I will be posting the list of clubs and its moderator near the teachers' room." sabi ni Mrs. Gonzaga.

Napuno ng excitement ang level area pagkatapos sabihin ni Mrs. Gonzaga ang announcement na iyon. Hmm, ano kaya club ni Sir Alonzo.. Teka nga lang! Bakit yun agad yung naitanong ko sa sarili ko? Hindi ba dapat mas tatanungin ko muna kung anong club sasalihan ko?! Oh no! Don't tell me... NAGKAKAROON NA AKO NG FEELINGS FOR HIM! 

Hindi tama 'to! First of all, ang laki ng age gap namin 'no! Second, wala akong pag-asa sakanya dahil baka nakikita niya lang ako bilang isang younger sister niya. At ang pinakamasakit sa lahat, TEACHER SIYA AT ESTUDYANTE LANG AKO. Naku, Ela, ano ba naman yan!

- - - - - - - -

Pagkatapos namin bumili ng pagkain ni Daniel sa canteen ay pumunta kami sa bulletin board sa may tabi ng teachers' room upang makita ang listahan ng mga clubs. 

"So Ela, may naisip ka na ba na club na sasalihan?" tanong saakin ni Daniel.

"Wala pa eh. Eh ikaw?" tanong ko naman sakanya.

"Hmm, iniisip ko kung sasali ako sa basketball or football club eh para maiba naman!" sabi ni Daniel.

"Eh kung mag-cooking club ka nalang kaya, Dani Boy? Tutal, patay gutom ka naman. Hahahaha." asar ko sakanya. Binelatan niya lang ako. Hmm, ano kayang club sasalihan ko? Alam ko na! Mag-wriwriter's club nalang ako. Dati ko pa pinapangarap na maging part sa pagsulat ng school paper eh. Ngayon na yung tamang year para i-fulfill ang dream kong iyon. Sino kaya ang moderator doon? Hinanap ko ang Writer's Club sa listahan hanggang sa magulat ako kung kaninong pangalan ang nasa listahan ng mga moderator. 

13. Writer's Club - - - - - Sir Keith Alonzo

SERYOSO BA 'TO? SI SIR KEITH NANAMAN? LORD, MAY PINAPAHIWATIG KA PO BA?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Sir With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon