Chapter 2: Diyos Mio Marimar!

125 1 0
                                    

"Parang nabagsakan ng langit 'yang mukha mo ah," sabi ng katabi ko, pag-upo ka sa isa sa mga seats sa auditorium.

"Oo, tama ka. Nabagsakan lang naman 'yung mukha ko ng mabigat kong bag, Dani Boy," reklamo ko sa kaibigan ko, si Daniel. 

Matagal ko nang kaibigan si Daniel Torres. Magkaibigan ang mga parents namin, kaya tuwing Sabado, nung nene at totoy pa kami ay pumupunta ako sa private resthouse nila sa Antipolo at doon maglalaro at magsiswimming kami. Pero dahil busy na kami sa high school life and other activites 'pag summer, minsan nalang kami nagkikita. Pero araw-araw naman kami magtext sa isa't isa. Best friend ko talaga siya.

Pinisil ni Daniel ang masakit kong ilong. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na 'wag mo na akong tawaging Dani Boy? Hindi na tayo ten years old. And besides, makakasira sa pogi points ko 'yan! Baka layuan na ako ng mga chicks!"

Tiningnan ko nang seryoso sa mata si Daniel. Pero 'di ko nakaya. Natawa ako at hindi ko mapigilan. 

"Pogi points? Meron ka nun? Kailan pa? At huwag na huwag mong pipisilin ang ilong ko, baka mapango," ang sabi ko sabay tadyak sa paa niya.

"Kung 'di ka lang babae, nagulpi na kita dati pa," sagot niya sakin.

"Ay palusot! Ang sabihin mo, hindi mo lang ako kaya," asar ko sa kanya.

At tuloy-tuloy lang kami sa pag-aasaran hanggang matapos ang school assembly na tumagal pa ng 30 minutes pagkatapos kong dumating.

-----------------------------------------------------------------

11:45 na. Fifteen minutes pa bago mag-lunch at bagot na bagot na ako. 'Di na ako mapakali sa kinauupuan ko kasi, unang-una, ilang oras na rin akong nakaupo, at pangalawa, gutom na talaga ako. Matagal-tagal na rin akong hindi nakikinig sa mga teachers na nagsasalita sa orientation. Mga two hours ago. Kaya naman, nakakarami na akong nasayang na papel sa pagdoodoodle.

"OMG, did you see our new teacher? Bagets na bagets, tapos ang gwapo pa!" sabi ng seatmate ko sa mga kaibigan niya. Nagtilian silang lahat.

"Nakita ko nga eh! Nagkatinginan nga kami kanina eh, tapos nginitian niya ako. Muntik na talaga akong matunaw," sagot naman nung katabi niya. Tapos nagtilian ulit silang lahat.

Dios mio marimarang lalandi naman nitong mga babae na ito. Tapos kung makatili, parang tinanggalan ng buhok sa kili-kili. Ang sakit lang naman sa tenga.

Hindi ko talaga maintindihan 'yung iba kong mga kaklaseng maaarte at popular sa school. Paiba-iba ng boylet halos weekly, eh hindi naman magaganda! Magaganda lang manamit at ang kapal maglagay ng makeup para magmukhang desente. Kapag tinapatan mo naman ng hose, at natanggal lahat ng makeup, magugulat ka... parang pwede nang mag-apply na zombie sa Outbreak Manila!

Hindi ko naman sinasabi na maganda ako. In fact, average lang ang mukha ko. 'Di maganda, hindi rin naman pangit. 50-50 lang. Pero, talagang kumukulo ang dugo ko sa mga malalandi kong kaklase. 

"OH MY GOD, OH MY GOD, papasok siya sa classroom natin! Maayos ba buhok ko? Okay lang ba?" tanong ng seatmate ko sa isa niyang kaibigan.

"Oo ang ganda nga eh! Eh ako, pantay ba yung eyeliner ko?" tanong naman ng isa.

Napailing nalang ako sa kanila at pinagpatuloy ko nalang ang pag-doodoodle ko kay Spongebob. 

"Magandang umaga klase. Ako si Sir Keith Alonzo, pero mas nanaisin ko kung tatawagin niyo akong Sir Alonzo. Ako ang inyong guro sa Filipino," sabi ng teacher pagpasok ng classroom.

In fairness ha, ang husky at baba ng boses niya parang...

DIYOS MIO MARIMAR! COULD IT BE HIM?

Agad-agad akong tumingin sa lalaking nakatayo sa harap ng namin. Siya na nga talaga siguro ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa balat ng lupa. 

And I just found my Mr. Mystery Guy.

To Sir With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon