Chapter 8

95 8 11
                                    

Elyon

Napaatras ako mula sa aking kinatatayuan dahil hindi ko trip ang muka ng limang lalaking nasa aking harapan ngayon.

"Totoo nga ang balita na may mga dayo ngayon."

Wala atang pangit sa mga Engkanto pero kahit ganun hinding hindi ako papatol sa kanila lalong lalo na sa mga ito.

Teka uso ba rapist dito?

Nakakatakot yung mapupula nilang mata at yung ngising pang adik ang dating.

"M-Mga pogi alam kong maganda ako..." Kung naririnig lang ako ng mga kaibigan ko baka hindi sila sumang-ayon. "...pero sorry na lang kayo kasi hindi ko kayo type. Ku-kung gusto niyo magdadala na lang ako rito ng chix galing sa mundo namin. Okay ba?"

Pero hindi nila ako pinansin at tuloy tuloy lang ang pag-abante nila kaya paatras na naman ang hakbang ko hanggang sa pader na lang ang hangganan ng likuran ko.

Shet naman mukang kailangan kong gamitin ang pagiging best actress ko sa mga ito.

With matching facial expression, nagturo ako sa itaas. "Hala ano yun?" Siyempre mga engot sila kaya sabay sabay silang tumingala.

Wala akong sinayang na pagkakataon. Agad kong binangga yung dalawa upang makalusot ako at tumakbo palayo sa lugar.

"Yung tao habulin ninyo!" Sabi nung isa kayanaman agad silang tumakbo hanggang sa malapit na nila akong maabutan. Buwisit... Iba talaga ang bilis ng mga Lalaki tapos Engkanto pa sila.

Kahit maraming Engkanto ang dumadaan at nabubunggo ko wala na akong pakialam. Sana lang hindi nila ako parusahan incase malaman nilang tao yung bumangga sa kanila.

Lilingunin ko sana yung mga humahabol sa akin pero hindi ko na nagawa dahil hindi na ako makagalaw. 'La bakit?

"Kahit kailan napakahina ninyo Laryo." Isang tinig ang umalingaw ngaw sa napakaraming nilalang at bigla na lang humawi ang mga nag-aalalang Engkanto.

Naglakad ang isang nilalang papunta sa akin na may kulay ginto ang buhok, red ang kulay ng mata, matipuno ang pangangatawan, matangkad, matangos ang ilong at may maputlang balat.

Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero wala talaga. Mas lalo lang akong nakakaramdam ng pagod sa ginagawa ko.

"Kamahalan." Nagsidatingan ang mga Lalaking humahabol sa akin kanina at nakayuko na sila sa Lalaking kulay ginto ang buhok. "Patawad po kung hindi agad namin nakuha ng maayos ang dayong ito. Hindi siya mayumi tulad ng nais ninyo sa isang binibini."

"Oppa... Oopakan kita kapag nakagalaw na ako rito." Piling ko kasi iniinsulto ako nito eh.

Dahil sa sinabi ko kaya napatingin sa akin yung Lalaking may gintong buhok. Ikinumpas niya ang kanang kamay kaya umangat ang aking katawan at kusang lumapit sa kanya.

Wow magic. Nakalimutan ko na may kapangyarihan nga pala ang mga ito.

Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin at sinipat nito ang kabuuan ng mukha ko.

Tang'na hindi ako nakapaglagay ng Bb cream. Makikita niya blackheads ko. "P-puwede pakilayo ng mukha? Hindi tayo close."

Ngumisi lang siya at hinawakan ang baba ng muka ko. Pinaharap nito sa kanan at kaliwa na animoy tinitingnan ang kurba nito.

Kung nakakagalaw lang ako sinipa ko si Oppa sa pagkalalaki niya.

"Hindi na masama ang isang 'to. Dalhin siya sa ating lugar."

Parang napilitan lang ah.

Agad nagsikilos ang mga Lalaki at hinawakan ang aking mga kamay. "Ano ba?" Sinigawan ko yung isa kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Paki-ayos ng tali hah yung hindi ako makakawala pero huwag naman super higpit okay?" katakot putcha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost City #Wattys2018 LonglistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon