MSF 10

29.6K 305 2
                                    

"Ikaw, naglihim ka pa pala sa akin, ha. Kaya pala sa baba ka na nakatulog dahil ginambala ka ng kapatid mo para dito. Pero maraming maraming salamat talaga sa'yo, Liz! sobrang thank you sa effort na binigay mo, I really appreciate it."

Ngumiti ako nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto namin dahil 'yon agad ang bungad ni Ate Reese na mukhang hinihintay ang pagpasok ko sa loob ng kwarto. Magpapahinga na kami dahil nga ay after ng surprise ay maraming activities ang nagawa namin, which is sobrang saya kahit na ang iba naming ginawa ay kinatakutan ko, tinulungan pa rin nila ako na i-encourage na kaya kong gawin ang mga bagay na 'yon. I won't forget this experience!

"Ano ka ba, Ate Reese. Okay lang 'yon, para sa'yo kaya napapayag ako ni Kuya," sabi ko sa kanya at niyakap siya.

"The best ka talaga!" Niyakap pa ako nito lalo ng mahigpit dahil sa tuwang nararamdaman niya. "Dito ka na matulog, wala ng surprise bukas," natatawang wika niya at tinuro ang kama ko para pahigain ako. "Good Night, Ate!" at humiga na talaga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ganito talaga ako matulog dahil mas komportable ako sa ganitong sitwasyon.

"Good Night, my lil sis," ani nito at narinig ko na humiga na rin siya sa higaan niya.

Kinaumagahan ay nagtimpla nakang ako ng kape, malamig kasi ngayon dito. Sumimsim ako ng kape at tinignan ang bagong gising na si Trixie na pababa, akala ko pa nga ay gugulong na ito pababa dahil muntikan pa siyang mahulog. Pumupungas pa ito na para bang napilitan lamang siyang bumangon, hindi nga ako nagkamali dahil kasunod niya si Summer na nakangiting bumati sa akin. "Good Morning, Liz. Aga mo naman ata ngayon?" Kinuha nito ang kape at nilagay sa tasa, pagkatapos ay nilagyan na nito ng mainit na tubig.

"Syempre, ganoon talaga kapag maganda," ani ko at ininom muli ang kape ko na nilalamig na. Kanina pa ako dito sa baba at hindi ko maubos-ubos ang kape na tinimpla ko.

"Lumalamig na ata 'yang kape mo, ah?" natatawang umiling ako sa kanya. Alam naman kasi nilang lahat na hindi talaga ako coffee person. Ewan ko kung ano ang tumakbo sa isipan ko at nagtimpla ako nito.

Lumapit naman sa amin si Trixie na kakalabas lang mula sa banyo, mukhang nagising na ang ulirat. "Anong nangyari sa'yo? bakit umiinom ka na ng kape diyan?" hinawakan niya pa ang noo at leeg ko para makita kung may lagnat nga ba ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "Grabe ka naman sa akin," hinawakan ko pa ang dibdib ko na animo'y nasasaktan sa ginagawa niya sa akin ngayon.

Tumawa siya at kumuha na rin ng tasa para magkape. "Napagod ata ang iba, mukhang late babangon ang mga 'yon," napapailing na wika ni Summer at muling sinimsim ang kape niya.

"May pandesal na diyan, binigay ni Mang Pedro." Si Mang Pedro ang care takee nila dito. Ang bait nga nito dahil hindi lamang pandesal ang dinala niya sa amin, dinalhan din kami nito ng palaman.

"Bad news." Lumingon kami kay Edward na nakatayo na pala sa harap namin, hundi man lang namin ito napansin dahil may iba kaming pinagkakaabalahan. Kakatapos lang namin kumain at nandito kami sa sala at nag-uusap usap lang kanina bago pa man mag-salita si Edward.

"What happened?" tanong ni Sally kay Edward na seryosong nakatingin sa amin.

"Gusto ko lang ipaalam na uuwi na tayo bukas. Kailangan na natin magimpake and then we have to leave immediately."

Napatayo naman ako dahil sa gulat. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. The boys surely expected this announcement, hindi man lang sila nakitaan ng gulat sa mga mukha nila sa sinabing 'yon ni Edward.

"What do you mean na aalis na tayo? I thought one week pa tayo dito? may nangyari ba?" tanong ko.

"Remember the guy that you bumped into?" tumango naman ako sa kanya. "Yeah, kilala niyo ba siya?" curious na tanong ko dito.

My Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon