Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pag uusap naming ni Edward noong gabi na 'yon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang 'yon.
Nanaig ang tuwa ko kay kuya na kahit minsan ay epal ang timing niya sa mga bagay-bagay ay may malaki naman siyang role sa buhay ng maganda niyang kapatid.
Kinabukasan nga noong pag-uusap naming ay hindi ko nilubuyan si kuya na kahit nahihirapan na ako kumilos ay ininda ko 'yon dahil natutuwa talaga ako sa kapatid ko kaso ngayon ay kinaiinisan ko naman ang kuya ko nang hindi maintindihan. Ayaw ata siya makita ng anak ko. Kaya heto ako ngayon inaabangan ang dating niya dahil nawala ang inis ko na kanina ay akala mo may nagawa siyang malaking kasalanan sa akin at pinapalayas pa siya dito sa bahay.
Tawang-tawa naman si Hazel na tumabi sa akin, "Grabe ka kay kuya," ani nito at nagbasa muli ngunit natatawa pa rin. Saktong pagbaba niya kasi ay halos sipain ko si kuya palabas ng bahay. Kaya inaalala niya pa ang nasaksihan niya kanina.
Pumasok muli si kuya sa loob at tinignan ako na para bang inaalam kung ano ba ang gagawin ko. May hawak pa itong unan na kanina niya pa buhat dahil nga nagpapahinga lang ng matiwasay dito ay pinalayas ko pa.
"Hindi na ako galit," ani ko nang hindi pa rin siya lumalapit sa akin. Humupa naman na ang inis ko sa kanya siguro bukas ay babalik ulit 'to.
"Dapat lang! Wala naman akong ginawa sa'yong masama kung batuhin mo pa ko kanina." Mahina akong tumawa.
"Mapanakit ka!" reklamo nito at umupo sa tabi ni Hazel, takot na baka batuhin ko nanaman siya.
"Oh, bakit nakabusangot 'yan?" tanong ni Ate Reese nang makapasok sa loob, nasa likod niya si Edward na natatawa sa itsura ni kuya.
Mukhang araw-araw na ang pagbisita nito sa bahay ni George at Nina Montenegro. Nginitian niya ako nang mapansin ako na nakatingin sa kanya.
"Bumisita ako dahil sa kapatid mo hindi dahil sa'yo," hinampas niya ang mga braso ng kapatid ko na nakapalibot ngayon sa bewang niya. Sinusumbong pa ako nito na akala mo ay nanay niya si Ate Reese.
"Malapit na lumabas 'yang dinadalang pakwan ni Liz," nginisian ako ng kapatid ko.
"Lumayas ka sa harap ko kuya!" akmang babatuhin ko na siya ng tsinelas kaso ang matalino kong kapatid ay ginawang 'shield' si Ate Reese kaya ang nobya ay napaface palm nalang sa kagaguhan ng kapatid ko.
Nawala ang inis ko nang iharap sa akin ni Edward ang isang malaking Cheese Ice Cream. Ngintian ko ito ng matamis at kinuha agad sa kanya.
"Thank you! The best ka!" binigyan ko pa siya ng isang mahigpit na yakap kahit na. Nagulat naman ako nang mapansin kong umubo si Ate Reese.
"Dapat kanina mo pa hinarap sa kanya 'yan kanina pa ako kinaiinisan niyan," ani ng kapatid ko habang dinuduro duro pa ako. Walanghiyang 'to?!
Hinila ko nalang si Edward patungo sa kusina, medyo ilang pa rin ako sa kanya kaso pinaglilihian ko ata siya dahil gusto kong malapit ito sa akin ngayon.
"Uy, Thank you talaga dito!" tinapat ko pa sa kanya ang Ice Cream na nailagay ko na sa bowl. Binigyan ko na rin siya na agad din naman niyang tinanggap.
"Hoy, gusto ko rin!" ani ng bwisit na kapatid ko pagkakita niya kay Edward na ngiting kumakain ng Ice Cream.
"Sila pwede at ikaw lang ang bawal," pagtataray ko sa kanya.
"Akyat muna ako," paalam ko sa kanila dahil nakaramdan na ako na inaantok ako. Kakagising ko lang tapos heto ako matutulog na agad.
*** (past)
"Liz!" napalingon ako sa kaibigan ko na patakbong lumapit sa akin, "Bakit?" tanong ko sa kanya, mukhang importante ang sasabihin niya dahil hingal na hingal itong huminto sa harap ko. Nginitian niya ako ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
My Son's Father
General FictionLiz has a huge crush on Edward, his brother's best friend. She kept that feeling for a long time and admired him from afar, then suddenly, her ex-best friend, Celine, joined in on the picture, which made her decide to stop the feelings she had for h...