MSF 7

14K 262 2
                                    

Ang bilis ng araw at malapit na ang inaasam kong break! Imagine, next monday ay aalis na kami. Limang araw nalang ang titiisin ko dito at mararabasan ko na din ang bakasyon na kailangan ko.

"Good Morning everyone!" huminto lahat ang mga kaklase ko sa pagsasalita at nginitian ako. Syempre, ako na 'to! Ang nag-iisang dyosa sa classroom.

"Kumusta naman aking mga mabubuting kaibigan?" Umupo na ako agad sa upuan ko at inilapag sa harapan ko ang bitbit ko na bag.

"Hala, hiwalay na daw sila Kuya Edward and Celine!" inalis ko ang cellphone ni Chloe mula sa mukha ko. Kakaupo ko palang ay may nabalitaan na ako. Grabe din ang usapan dito sa eskwelahan namin! Kapag sikat ay mapaguusapan agad. Kalat na kalat!

Ibang klase rin kasi si Celine, nagpost ng pangbroken. May larawan siya ng isang kape at ang view sa labas na may caption na 'nothing lasts forever'

"Nakikita ko siya Chloe." Inalog bigla nila ako dahil sa nasagap nilang balita sa mga tao dito. Excited much?

Umupo naman bigla sa tabi ko si Trixie at nagtaas baba ng kilay. Ano nanama, kaya ang trip nitog kaibigan ko?

"Ewan, 'di rin natin 'yan sigurado malay niyo naman nagddrama lang si Celine. Remember noong isang araw? nagpost din siya pero kinabukasan noon nakitang magkasama ang dalawa," sabi ni summer habang may hinahalungkat sa bag niya. Nagkatinginan naman kami at nagtanguan.

"Paano ba 'to?" tanong ko sa sarili ko. May quiz kasi kami mamaya at kailangan kong maintindihan ang lesson na ito! Dahil hindi ko alam kung paano isolve ay sinalpak ko nalang ang mukha ko sa librong binabasa. Ang hirap naman kasi nitong subject!

"Kakabuklat mo lang niyang libro mo sinukuan mo agad!" tinignan ko ng masama si Chloe. Actually, totoo rin naman talaga na kakabuklat ko lang nito. Sino naman kasi ang hindi susuko dito, 'di ba? hirap hirap intindihin!

"Punta muna ako sa restroom," paalam ko sa kanila pero sa iba ako dinala nitong mga paa ko. Nagulat nalang ako na nakatingin lang ako banda sa room ng kapatid ko.

Liz, tama na 'yan. Chismosa ka rin talaga!

"pst!" tinabig ko ang kamay ng tumatapik mula sa likuran ko. Istorbo naman ito!

"pst." Tuloy na pagtawag nito sa akin pero hindi ko na binahala ito.

Ano kaya ang nangyari? Tanungin ko kaya sa kapatid ko? Pero mukha namang hindi siya affected sa nangyari sa tropa niya.

"pst."

Curious lang talaga ako kaya nagmamasid ako ngayon dito sa labas. Promise!

"pst."

"ano b-" nagtigil ako sa pagsigaw ko nang makita ko ang kanina pang kumakalabit sa akin.

"Hala, ikaw pala yan Kuya Paul," nanlaki bigla ang mata ko nang makita ko siya sa likuran ko. Napaayos tuloy ako ng tayo at hindi alam kung ano ba dapat ang gawin.

"Sorry tinatapik kita.. Nakaharang ka kasi sa daanan eh," kamot ulo siya na nakatingin sa akin.

"Omg, sorry! sorry!" paulit-ulit na hinging paumanhin ko sa kanya. Nakakahiya ka talaga Liz!

"Bakit ka pala nandito? 'Di ba nasa 5th floor ang room mo? Bakit napadpad ka ata sa 7th floor."

Patay! Ano naman kaya ang isasagot ko sa kanya?

"Ah, may tatanungin sana ako kay Kuya kaso nawala sa isip ko kaya nakatayo lang ako dito!" Sinungaling ka talaga Liz!

Mukha namang naniwala ito dahil ngumiti ito muli sa akin.

"Sige una na ako," paalam ko sa kanya.

"Na paano ka? Bakit hingal na hingal ka? Bakit ang tagal mo?" salubong na tanong sa akin ni Summer. Kasabay naman ay ang panliliit ng mga mata ng tatlo. Iniwas ko nalang agad ang tingin ko sa kanila at dumeretso na ng upo. Baka mabuko pa nila ako!

My Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon