"Hello? kausap pa ba kita? tulala ka na ata diyan. Ang sabi ko hindi makakapasok ang tatlo dahil mga busy sila, kaya tayong dalawa lang ang nandito sa school. Magkakaroon tayo ng date dahil diyan," pumalapak ito at ikinawit ang braso niya sa braso ko.
"Bakit ba ang aga nanaman natin dito sa school? Dinamay mo pa ako diyan sa mga plano mo sa buhay, imbis na makapagpahinga pa ako ng matagal ay may gumagambala sa kalagitnaan ng beauty rest ko."
Natawa naman ako sa reklamo niya. Totoo naman na tawag ako nang tawag sa kanya. In my defense, gising na siya that time, nanonood lang 'yan ng palabas kaya sinasabing ginagambala ko 'daw' siya.
"Basta may gagawin ako," sabi ko sa kanya at patuloy pa din sa paglalakad.
"Basta punta tayo sa mall after class, ha?"
Tumango nalang ako sa sinabi niya, papayagan naman ako nila Mommy lalo na at magpapahatid naman ako kay Kuya.
"Dapat lang may gawin ka, pinagmadali mo pa ako. Buti at sinundo niyo ako kaya shut up nalang muna ako," zinipper niya pa kuno ang bibig niya.
"Shh," inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig ko para manahimik kakadada itong kaibigan ko.
Lumapit naman siya sa akin at bumulong.
"Grabe ka talaga sa akin, friend," hinawakan pa ang puso niya na akala mo ay nasasaktan talaga. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gosh! bakit nandiyan si Marco? shit, is that Celine?"
Nanlaki mata ko nang makita ang tinuturo ni Trixie. Lumapit kay Marco si Celine, kasulukuyan silang nasa rooftop ng building namin. Weird.
Inilapit ko pa ang tainga ko sa pintuan para mas maging malinaw ang marinig ko sa pinaguusapan nilang dalawa pero kahit anong lapit ko ay wala talaga.
"Shit."
Napamura nalang ako bigla dahil natamaan ko ang basurahan sa tabi ko. Sa lahat ng oras na may matatamaan ako, ngayon pa?
"Sino 'yan?" Lumingon bigla sa gawi namin si Celine.
Hinila na ako agad ni Trixie paalis doon sa lugar.
"Gaga ka! hindi mo naman sinabi na magiging espiya tayo ng dalawa. In fairness, Celine and Marco. Amazing!"
"Hoy, baka may makarinig."
"OMG! may alam ka ba sa kanila kaya sumisilip-silip ka pa? Alam mo pa kung saan sila nag-uusap, e."
"Hindi, ngayon ko lang nakita na magkakilala pala sila ni Celine. Ilang linggo na akong nagmamasid kay Marco, you know."
Magdadalawang buwan na ata akong nagmamasid sa kilos ni Marco. Naputol lang 'yon noong Christmas break, kaya noong nakaraang pasukan ay ipinagpatuloy ko ito. Wala naman akong nakikitang kakaiba si kilos niya pwera nalang ang pag-uusap nila ni Celine ngayon. Baka naman ay kaibigan lang?
"Dahil diyan, manood nalang tayo sa gym. Nagppractice na siguro si Kent my loves, my forever, my sun to my shine-" Tinakpan ko na ang bibig ni Trixie dahil hindi na matatapos 'yan.
Si Kent Villafuerte ang bagong crush ni Trixie. Kaibigan din nila Kuya 'yon kaya natutuwa si Trixie na pumunta sa bahay dahil paminsan-minsan ay naaabutan niya ito.
"Kaya pala pumayag kang pumasok ng ganitong oras."
"Mamaya na tayo mag-usap nang mag-usap at baka mamaya ay time na, hindi na natin masusulyapan si Kent my loves, my-"
"Oo na!"
*
"GO KENT! GO KENT!"
Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan dahil ang kaibigan ko na ito ay daig pa ang megaphone kung makasigaw dito.
BINABASA MO ANG
My Son's Father
Ficción GeneralLiz has a huge crush on Edward, his brother's best friend. She kept that feeling for a long time and admired him from afar, then suddenly, her ex-best friend, Celine, joined in on the picture, which made her decide to stop the feelings she had for h...