Pinayuhan naman ako ng doctor ko na maglakad-lakad na muna dahil papalapit na rin ang due date ko. Kaya kahit tinatamad akong bumangon sa pagkakahiga ay pinilit ko na lamang ang sarili ko na bumangon. Para rin naman ‘to sa sarili ko at hindi ako mahirapan sa pag-deliver ng anak ko eh.
“Ang aga mo naman atang bumangon?” lumingon ako sa kaliwa ko nang marinig ang boses ng kuya ko.
Nginitian ko ito, “Sabi ng doctor ko maglakad-lakad daw ako..” paliwanag ko sa kanya.
“tara na.”
Pinaningkitan ko siya ng mata, “oh, anong tinitingin tingin mo diyan?” tanong niya sa akin. Bakit parang mabait masyado kuya ko sa akin?
“may ginawa ka ba?”
“sabi nila mommy bantayan daw kita. Grabe ka sa pogi mong kapatid! Kapag mabait may ginawa agad, hindi ba pwedeng gumagawa lang ng good deeds para mas pumogi lalo?” mahina ko siyang hinampas.
“Anong pogi sinasabi mo diyan?” Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan ng maigi, “Wala naming part dito na pogi.”
Sinamaan niya ako ng tingin.
“Pasalamat ka buntis ka.”
I know right. Asarin ko na kaya ‘tong kapatid ko habang hindi pa ‘to makakaganti sa akin.
“Welcome,” Sagot ko.
Umiling na lamang ito at inalalayan ako pababa. “Dapat talaga sa sofa nalang ako matulog, nakakapagod masyado ang magakyat baba,” reklamo ko sa kuya ko.
Rinig ko naman dito ang mahinang tawa nito.
“kuya sabi mo aalalayan mo ako! Iniwan mo na ako dito!” sigaw ko.
Binalikan naman niya ako, “Para ka naman kasing penguin na naligaw dito sa maynila. Ibalik kaya kita sa antartica?” babatukan ko sana siya kaso umilag ito sa akin.
“Bilisan mo naman! Napakakupad mo naman!” Aba’t nangaasar pa ‘to? Kung hindi ko lang ‘to kuya ay nabatukan ko na ito eh.
“Sorry, buntis kasi ako eh!” sigaw ko sa kanya.
“lakas mo mang-asar kuya!” inis na wika ko sa kanya.
Nawala bigla ang inis ko sa kanya nang may dumaan na sorbetes sa nilalakaran namin.
Mukhang masarap ‘yong cheese flavor!
Hinila ko ang laylayan ng damit ng kuya ko. Natatawang nilingon naman niya ako.
“oh, ano ‘yang Nakita mo at may pag-hila ka pa diyan?” tanong nito sa akin. Nginuso ko naman si mamang sorbetes na unti-unti ng lumalayo mula sa kinakatayuan namin.
“habulin mo!” wala siyang nagawa at hinabol ito. Habang tinakbo ni kuya ang gusto kong ice cream ay naupo muna ako sa bench para magpahinga. Nilagok ko ang baon na tubig ko.
Marami-rami na rin pala ang mga tao dito sa park. Marami akong nakikita na nagjojogging ang iba naman ay mga bata na nag-lalaro sa playground. Isa ito sa lugar na paborito ko sa village namin dahil malinis ang kapaligiran at marami ang pwedeng magawa.
“oh,” tinapat sa akin ni kuya ang sorbetes na binili niya. Lumukot ang mukha ko nang makita ko na chocolate ang binili niya.
“ehh…” huminga siya ng malalim at kinain ang biniling chocolate ice cream habang hinahabol ulit si manong.
Parang bata ang kuya ko habang hinahabol si manong.
Tawa-tawa ako habang pinupunasan ang pawis ni kuya, “Dahil nabili mo ‘tong cheese, pupunasan ko nalang ang pawis mo,” ngisi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Son's Father
General FictionLiz has a huge crush on Edward, his brother's best friend. She kept that feeling for a long time and admired him from afar, then suddenly, her ex-best friend, Celine, joined in on the picture, which made her decide to stop the feelings she had for h...