Mabilis na lumipas ang mga araw. October 26, is my day ngayon ko lang na-realize na 26 nadin pala ako.
Sa sobrang dami ng iniisip ko pati kaarawan ko muntik ko nang makalimutan kung hindi lang ako binati ni Shann habang nag-uusap kami kanina through Skype hindi ko na maaalala.
"Happy Birthday Grace!" nakangiting sabi ni Manang pagka-kita niya palang sa akin.
"Salamat po Manang.." inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay.
"Pumasok na po si Zian? ang aga naman." sabi ko.
"Ang totoo niyan naabutan ko siya kanina, hindi naman siya naka-uniporme eh. Simpleng t-shirt at jeans lang ang suot niya."
Saan naman kaya siya pupunta ng ganun kaaga? 8 palang.
"Anong oras po ba nung umalis siya?"
"Madilim pa e sa tingin ko alas sinco y media palang nung umalis siya.
5:30? Saan naman siya pupunta ng ganon ka-aga? Ibig sabihin tatlong oras na simula noong umalis siya.
"Osiya maiwan muna kita diyan, maghahanda lang ako para sa lulutuin mamayang hapunan."
Umakyat ako sa kwarto ko dahil nakaramdam ako ng antok. Umagang umaga pero inaantok ako.
Nahiga ako sa kama pero hindi nagtagal napabangon din agad ako dahil sa masamang pakiramdam na namuo sa sikmura ko pakiramdam ko umiikot yung tiyan ko.
Napatakbo ako sa banyo dahil hindi ko makayanan ang nararamdaman ko. Gustong ilabas lahat ng kinain ko kahit wala pa naman talaga.
Ilang minuto din ang lumipas bago matapos ang pagsusuka ko. Hinang hina akong na-paupo sa sahig dahil dun.
"Wife!" nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Zian. "What happened?"
nag-aalalang tanong niya."W-wala. Nasuka lang ako." I smiled assuring him that I'm okay.
"Are you okay? gusto mong pumunta sa Doctor?" natawa ako sa sinabi niya. Over Protective husband.
"No. Okay lang ako, baka may nakain lang akong hindi maganda."
"What? eh ang sabi ni Manang hindi ka pa daw kumakain." yeah, hindi pa nga kaya nagtataka ako kung bakit ako nasuka dahil wala pa naman akong kinain na pwedeng nakapag-pasama sa tiyan ko.
"Yaan na natin yun. Baka siguro dahil hindi ako kumain. Okay lang ako, don't worry." nakangiting sabi ko. Tinulungan niya akong tumayo at naglakad papunta sa kama.
"Just rest. Okay? may pupuntahan tayo mamaya." nakangiting sabi niya, hindi na ako naka-pagsalita dahil bumigat ang talukap ng mata ko at hindi nagtagal nakatulog din ako.
Zian POV
"Is everything set?" tanong ko sa organizer ng party.
"Yes Sir. I'm sure your wife will like your surprise." nakangiting sabi nito.
Yes, I'm really sure. "Okay kayo nang bahala dito. Oras na para puntahan ko siya."
"Wife wake up." pagkarating ko sa bahay naabutan ko siyang tulog na tulog padin. She's really tired nagd-dalawang isip ako kung gigisingin ko pa siya o hahayaan nalang siyang mag-pahinga. Pero sayang ang party na inihanda ko para sa kanya and besides hindi ko pa siya nababati baka magtampo siya sa akin.
"Hmmm.." natawa ako dahil sa pag-angal niya.
"Wife. Mag-gagabi na hindi ka pa kumakain." Iminulat niya ang kanyang mata, damn she's beautiful kahit kagigising niya lang.
BINABASA MO ANG
UNWANTED WIFE (ON-GOING)
Lãng mạnMahirap sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan, lalo na kung maaari itong magdulot ng malaking pagbabago sa iyong buhay sa hinaharap. Mahirap ipagpilitan ang iyong sarili sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa ka...