Chapter 17

979 19 0
                                    

Zian POV

*KRINGGG

Tumunog ang cellphone ko ng ilang ulit kaya nagising ako agad ko iyong piantay ng hindi manlang nag-aksaya ng oras para tignan kung sino iyon.

Nakita ko ang ai Grace na mahimbing na natutulog yakap yakap niya ang unan habang ang isang kamay ko naman ay nakapulupot sa bewang niya.

Napatingin ako sa mukha niyang medyo natabunan na ng mga buhok niya, hinawi ko iyon para maging maaliwalas ang mukha niya. Nakatitig lang ako sa kanya, sa maamo niyang mukha.

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha. Baka importante.

Nagulat ako ng malaman kung sino ang tumatawag.

"Resha?" pabulong kong sabi.

Marahan akong tumayo para hindi magising si Grace. Damn I feel like I'm cheating on her with Resha. Dumiretso ako sa veranda pagkadating ko ay agad kong ni-swipe ang screen para sagutin ang tawag.

"Resha.." pabulong kong sabi.

Malakas na ingay ang umalingawngaw mula sa kabilang linya. Damn! not again. Nasa bar na naman siya?! What is her fucking problem?!

"Sir.." boses ng lalaki ang narinig ko malamang ay bartender iyon. "Sir, sorry po sa abala pero yung girlfriend niyo po maraming nainom kaya nakatulog dito sa counter!" halos sumigaw na siya mula sa kabilang linya para lang maintindihan ko ang sinasabi niya.

Shit! fuck! Ito na naman.

Nagbihis ako agad pagkatapos kong patayin ang tawag. Maingat ang bawat galaw na ginawa ko dahil ayokong magising si Grace at higit sa lahat.. ayokong pagdudahan niya ako.

Maingat ko ding binuksan ang pinto at lumabas. Pagka-alis ko ng kwarto ay marahan akong tumakbo pababa at palabas ng bahay buti nalang nasa labas ang Hilux ko kaya hindi na ako nahirapan pang umalis.

"Resha let's go." tinatapik ko siya pero ayaw niyang gumising. Ano ba tong pinasok ko? Nakakainis! May fiance siya dapat siya ang sumusundo kay Resha kapag nalalasing hindi ako! Damn it.

"Oh Zian!!" inangat niya ang ulo at tinignan ako. Natulala ako dahil magulo ang itsura niya makikita din na namumula ang mata niya at basa ito hanggang sa pisnge niya? Anong nangyare!

Nakangiti siya sa akin habang pipikit pikit. Namumula ang buong mukha niya, dinaig niya pa ang broken hearted dahil sa itsura niya ngayon. She's drunk!

"Iuuwi na kita." akmang aalalayan ko siya pero hinawi niya lang ang kamay ko.

"J-just..." nabasag ang boses niya tinignan niya ako.. namumuo ang luha sa kanyang mga mata. "J-just tell me.. Zian you love me right?" nag-iwas ako ng tingin at hindi siya sinagot. No, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. And she's drunk kaya siguro nasasabi niya yan.

"You love me, you still love me. Let's get back to the old times.." desperada niyang sabi

"Zian..." hinaplos niya ang pisngi ko "I love you..." my jaw clenched, why are you doing this? gusto kong magtanong sa kanya pero hindi ko magawa.

"Resha... please? umuwi na tayo."

"N-no! Please, Zian.. answer me! Do you love me?.. oh scratch that, do you love Grace now? yung taong sumira sa atin?" mariin niyang sabi

Nagtiim ang bagang ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang galit na namumuo sa akin.

"No. I don't love you anymore."

Namuo ang galit sa kanya dahil sa sinabi ko. "Liar! Hindi mo ako pupuntahan dito kung hindi mo ako mahal!"

Hinablot ko ang braso niya at kinaladkad siya palabas ng bar.

UNWANTED WIFE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon