4 months later.
Kinuha ko ang diary ko sa cabinet ko para mag-sulat or should I say mag-kwento.
Malaki na ang tiyan ko, 5 months na din si Baby Freya or Sean.
Yes, last month nag-decide kami ni Zian na mag-isip ng pangalan ni Baby kapag babae. Freya Eirene Jimenez mahilig kasi ako sa Greek god's kaya kinuha ko dun. Freya is the Goddess of love, beauty, fertility, war, wealth, divination and magic and Eirene means peace in her native language expressing her diplomatic nature.
And kapag lalaki.. the name would be Sean Jacob Jimenez halata namang si Zian yung nag-isip no'h? hawig na hawig sa pangalan e.
Madami akong pinagdaanan lalo na nung naglilihi palang ako. Ewan ko pero ang weird kong mag-buntis. Once na hinanap ko ang isang bagay at hindi ko yun nakita agad basta nalang akong iiyak. Ewan ko ba.
Ang weird kong kumain tapos lagi ko pang sinusungitan dati si Zian kasi aishhh di ko talaga alam yung exact reason basta kapag nasa tabi ko siya pinapalayo ko siya, naiirita ako e.
Naging masaya ang pagsasama namin ni Zian and I'm so happy dahil kapag nagkakaroon kami ng problema sabay namin itong hinaharap.
Oo minsan nag-aaway din kami pero hindi namin iyon pinapatagal dahil ayokong iyon ang maging dahilan para mag-kasakitan ulit kami.
And about dun sa issue non mas pinili ko nalang na hindi iyon pansinin at tama naman ako dahil hindi nagtagal ay tumigil din ang scenario'ng kagaya nun.
Alam kong naging tanga na naman ako pero wala akong magagawa masyado ko siyang mahal kaya malaki ang tiwala ko sa kanya alam kong hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakasakit ko.
I swear kung kayo ang nasa posisyon ko mas pipiliin niyo din ang desisyong ginawa ko, bakit? simple lang mas pipiliin niyong huwag pansinin ang napakaliit na bagay na iyon para lang hindi makaapekto sa relasyon niyo kaysa paghinalaan siya dahil lang sa ipinapakitang kilos nito.
Kasi kapag mahal mo pagkakatiwalaan mo.
"Wife. Are you ready?" nakangiting sabi ni Zian. I know he's exited too just like what I feel.
Tumango ako habang nakangiti padin. "Let's go?" yaya niya lumapit siya sa akin.
"Wait lang. Itatago ko lang ito." pinakita ko sa kanya ang diary na hawak ko.
"What's that?" nagtatakang tanong niya.
"A Diary." nakangiting sabi ko habang tinitignan ang diary, malapit na palang maubos ang page nito. Limang page nalang ata?
"I think we should go buy a new one." sabi niya habang nakatitig sa diary.
Itinago ko iyon sa may box at inilagay sa cabinet ko. "So, tara na?" hinawakan ko ang kamay niya, inalalayan niya akong tumayo.
Pagkatapos nun ay nagtungo na kami sa hospital.
-----
"It's a Girl." nakangiting sabi ni Dra habang naka-tingin sa monitor.
"Freya." napalingon ako kay Zian ng magsalita siya and then I saw that he's smiling from ear to ear.
"Mrs. Jimenez mas kailangan nating mag-doble ingat ngayon dahil malaki na ang tiyan mo, actually masyadong malaki ito compare sa normal na five months preg. so Mr. Jimenez you know what to do."
"Sundan na ba natin si Baby?" hinampas ko siya dahil sa sinabi niya
" Awww. Joke lang, Wife. Sakit nun ha try ko sayo?" pagbi-biro pa niya.Sinamaan ko siya ng tingin "Sige, subukan mo."
BINABASA MO ANG
UNWANTED WIFE (ON-GOING)
عاطفيةMahirap sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan, lalo na kung maaari itong magdulot ng malaking pagbabago sa iyong buhay sa hinaharap. Mahirap ipagpilitan ang iyong sarili sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa ka...