Chapter 18

1K 24 2
                                    

Grace POV

Masakit ang buong katawan ko pakiramdam ko ay may nakadagan sa akin, pero hindi ko masaydong mapagtuunan iyon ng pansin dahil inaantok ako. Gusto kong matulog.

Nandito ako sa isang lugar kung saan napakadaming bulaklak na halos hanggang bewang ko na

Ang ganda sa paningin. Ang araw na hindi gaanong maliwanag at ang preskong hangin. Napapikit ako ng dumapo ang malamig hangin sa mukha ko.

"Anak.." napamulat ako dahil sa boses na narinig ko.

"Ma?!" kilang-kila ko ang boses na iyon. Boses ng babaeng pinakamamahal ko. Ang boses ng babaeng ang tagal ko nang pinangarap na makasama ulit.

"Mommy!" tumulo ang luha ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. At nang tuluyan na akong nakalapit ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Grace. Anak ko.." ang gaan ng pakiramdam ko. Ibang-iba sa bigat na nararamdaman ko kanina.

"I miss you."

"Miss na din kita, anak."

"Nasan ako?" tanong ko at iginala ang tingin sa napakagandang paligid.

Pero ngumiti lang siya.

"Gusto kitang makasama, Mommy..." bigla kong sabi

"Do you really want that?"

"Yes..."

"Okay." hinawakan niya ang kamay ko at nagumpisa na kaming lumakad.

"Graceeeee!!! lumaban k-ka!" napatigil ako dahil sa isang sigaw.

Zian..

"Anak?"

"Mom. Paano sila?" naiiyak na tanong ko.

"Anak. Marami kang pagdadaanan ang gusto ko ay maging matatag ka. Maraming magbabago pagkagising mo pero huwag mong hayaan na dalhin ka ng iyong emosyon sa kasukdulan." niyakap niya ako at binitawan ang aking kamay "Mahal na mahal kita, tandaan mo yan."

"Clear!" sigaw ng doktor kasabay ng pagtama ng parang kuryente sa katawan ko, tila nabuhay lahat ng dugo ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Sinalubong ako ng puting kisame, nasaan ako?

Tinignan ko ang paligid ko wala ng nga bulaklak. Wala na si Mommy.

Iginalaw ko ang daliri ko dahil tila hindi ko na iyon maramdaman.

Merong oxygen na nakalagay sa akin kaya tinanggal ko iyon.

Nauuhaw ako "T-tubig..." muntik ko pang hindi masabi iyon dahil may naramdaman akong sakit sa kaloob looban ko.

Napahawak ako sa tiyan ko at nanlaki ang mata ko nang maramdamang tila walang buhay doon.

Ang anak ko..

"Grace!" nakita kong pumasok ng kwarto si Claire. Tumulo ang luha ko dahil natatakot akong malaman kung anong nangyari sa anak ko.

"Ang anak ko.. n-nasan?" umaasang tanong ko.

Pero imbes na sagutin ay tumingin lang siya sa pinto na parang may inaabangan. Tangina yung anak ko!

"Zian." mariing sabi ko nang makita ko siya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na nararamdam ko.

"Nasan siya? Nasan ang anak ko?" pilit kong pinigilan ang pagtulo ng luha ko kahit masakit sa dibdib.

UNWANTED WIFE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon