Chapter 9 : Farewell

17 0 0
                                        

Nakaalis na kahapon sila kuya pabalik na sila sa England.

Nagpunta muna ako saglit sa kwarto ni Peter at may nakita akong paper sa table nya..

Kinuha ko yun at naupo sa kama saka ko iyon tinignan..

Plano ito ng isang bahay ..

teka.. parang pamilyar to..

Dreamhouse ko to ah? Ginawa ko to dati nung ok pa kami ni Peter.. nasa kanya pa rin to?

may mga pictures din,

namangha ako sa nakita ko..

Ang ganda.. Bahay ni Peter to?

ipinatayo nya sa England ang Dreamhouse ko?

Napangiti na lang ako at naalala ang mga sinabi nya sakin bago umalis..

Habang nakatayo ako sa Veranda..

"Lane.."

"Hmmm?"

"Sama ka na samin."

"Huh? Ayoko. Madami ngang distructions di ba at isa pa ayoko na makisiksik sa bahay ni Kuya"

"Dun ka na lang sa bahay ko."

"Bahay mo? O condo mo, ayoko.. Ayokong tumira sa hindi ko bahay.. Kung hindi dito, sa Dreamhouse ko lang ako titira.."

"Andun yung Dreamhouse mo.. yung Dreamhouse mo na ako yung kasama mo.."

"Mangarap ka Peter! Hahah"

"Oo mangangarap ako, hihintayin kita dun.. Kung sakali.. Andun lang ako.. Welcome ka, sa bahay natin."

"Haha ewan ko sayo.. Baliw!"

Huli na naming paguusap yon..

papunta nga pala ko ulit ngayon sa school, malamang nagtataka kayo kung bakit nagbawas ako ng gamit sa locker... Puno na kasi e. Haha

pagpasok ko ng school, as usual.. Ganun nanaman yung nangyari..

Palapit na sana ko sa locker ko ng biglang..

*Bbbbboooooggggssssshhh!*

"Hahaha napakatanga!"

"Ano ba yan ang lampa..!"

"Nababagay lang yan kasi maldita sya!"

"Hahahahah Dumped!"

May sadya nanamang naglagay ng kung anong madulas na bagay sa harap ng locker ko, dahan dahan kong binuksan ang locker ko ..

"Haaay salamat..."

nasabi ko sa sarili ko dahil walang kung anong lumabas dun..

"Yllane.."

boses yun ni Keeara

sobrang galit humarap ako agad sa kanya pero..

*Spllaaaasssshhhh!"

"Hahahahah!"

nagtawanan lahat ng nakakita,

"Ano ba talagang problema mo sakin Keeara! Nasayo na lahat diba.  ang mga kaibigan ko, ang kasikatan.. Lahat na nasayo ano pa ba.. bat hindi mo pa rin ako tinitigilan.."

"Walang sayo Idiot! Wala tandaan mo yan. Isa ka lang baguhan sa University na to na nagassume na may gusto sa kanya ang Fiance ko at nakisiksik sa mga kaibigan nya! Isa ka lang walang kwentang ulila na iniwan ng magulang nya dahil pinaparusahan ka kasi isa kang demonyita, pati mga magulang mo pinaparusahan dahil mahkakadugo nga naman kayo.. Iisang dugo ang dumadaloy sa ugat nyo, mga walang kwenta kayong tao!"

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon