Chapter 12 : Its all because of me

27 0 0
                                        

Nandito pa rin si Shaira sa bahay ko, kahit na nakaalis na yung tatlo.

parang ang weird ng kinikilos nilang lahat? Ano bang meron?? May hindi ba ko alam?

Oh baka yung mga Boys ang walang alam sa kalagayan ni Shai ngayon?

Arrrggggg! Masisiraan na ko.

"Yllane, can I ask a favor?"

"Ano yun? Oo naman. Kahit ano pa' kakayanin ko :)"

"Can we Go back now?"

"Go back?"

"Yes, sa dati mong bahay, nahihirapan na kasi ako."

"Ha? sa pag Travel ba? Okay lang naman kahit hindi ka muna dumalaw e. alam ko naman sa kalagayan mo dapat extra careful ka,"

"But Yllane, I need you."

parang dinudurog ang puso ko sa sinasabi ni Shaira, naaawa talaga ko sa kanya.

"Ako na lang ang dadalaw?"

"Bumalik ka na lang Yllane, Please?"

"P..P..Ppe..Pero.."

"Scared?"

nagnod ako.

"Hindi ka na nya ulit masasaktan pa Yllane."

"How did you know Shai?"

"Alam ko lang, pano una na ko?"

Ramdam kong medyo may tampo si Shaira sakin.. Umalis na sya at inihatid ko sya sa labas,

Babalik ako sa dati naming bahay? Pero, Wala pa sa isip ko bumalik ngayon, Babalik naman ako e,

pero.. Hindi pa ngayon.

Kinausap ko si Nay Agnes tungkol don. Sumang ayon naman syang huwag muna ako bumalik dahil nga baka masaktan lang nanaman ako,

Pero, si Shaira, paano?

-

Gabi na noon at ako nasa veranda lang at umiinom ng wine.

ng biglang may tumawag,

"Hello Yllane!"

"Oh Shai? Napatawag ka? Okay ka lang ba?"

"Pinalayas ako ni Mommy, Yllane, san ako pupunta, Hindi ko na kaya Yllane, ayoko sabihin to kay Mico dahil baka masira sila ng Girlfriend nya, hindi ko na talaga alam Yllane, paano na ko?"

"Okay Shai, Kumalma ka lang makakasama yan sa baby mo, mabuti pa, magpunta ka doon sa bahay namin ni Kuya malapit dyan. Pupuntahan kita, ok?"

"Si...si..sige"

Agad akong nagDrive papunta sa dati naming bahay, almost 3 hours ang byahe papunta don.

at nang makarating ako sa mismong tapat ng bahay namin, bigla akong kinabahan..

"Shaira.."

bulong ko sa sarili ko,

bumusina agad ako para buksan ang gate at isang pamilyar na muka ang naaninag ko pero hindi ko na yun pinagtuunan pa ng pansin, dali dali akong umakyat ,

"Yaya, nasan si Mam Shaira mo?"

"Mam! Nasa guest room po!"

Tumakbo ako at binuksan yung pinto pero nakalock,

"Shaira! Si Yllane to!"

"Y..l..ylla..yllane"

Nagsstruggle yung boses nya, Shit! Ano bang nangyari!

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon