Kabanata 2

74 3 0
                                        

Kabanata 2
Babe

Sinundan ko lamang ang lalaki sa paglalakad. So far, sa lahat ng nakita at nakilala ko ngayong araw siya ang pinaka mukhang maayos pakisamahan.

Ilang minuto palang ng paglalakad ay may tumawag mula sa gilid namin.

"Hi Qian, you're here! And with that..." Tumingin ito mula ulo ko hanggang sa paa.

"Weak girl," dugtong niya. I just smirked. I will kill you soon, darling.

"Kayz, don't be rude. She's now part of the Elizondos," pag-iinform ng lalaking katabi ko. I bet he's Qian dahil iyon ang itinawag dito kanina.

"What?! Mabuti at hindi ka pa pinatay ni Jackson? I think he has a better plan of killin' you," ani Kayz at tiningnan ako nang masama ngunit simple ko lang siyang nginitian.

"You think so? Let's see," panghahamon ko.

Nakita ko ang inis sa kaniyang mukha at mabilis na naghagis ng isang dagger sa direksyon ko.

Mabuti nalang at nailagan ko iyon. Kung hindi lamang mabilis ang galaw ko ay tumama iyon direkta sa mata ko.

"Pikon," I said.

Now, mukhang masyado na akong tumapang nang nawala sa harap ko ang Elizondo'ng 'yon. Tsk, this girl is irritating.

Mas lalo itong nagalit at nagbalak pang sugurin ako ngunit natigil ito nang suwayin kami ni Qian.

"Stop! Tumigil kayo kung ayaw ninyong si Jackson mismo ang tumapos sa buhay n'yong dalawa."

"Pasalamat ka at naiwasan mo." Masama ang tingin nito sa akin. Sa inis niya ay mabilis itong tumalikod habang nakataas ang gitanang daliri ng kaniyang kanang kamay.

"She's always like that. Ang mga babaeng nakakaapak sa mansyong ito ay inaaway niya. Don't mind her. Anyway, I'll bring you first to your room." Umakyat kami sa ikalawang palapag at doon ay dinala niya ako sa ikatlong kuwarto.

"This is your key," aniya at inabot sa akin ang isang susi.

Tumango lamang ako.

"I'll go now."

Nang umalis ito ay hindi na ako nag-atubiling buksan ang kuwarto. As expected, malaki at halatang mahal ang mga muwebles na ginamit, maging ang mga kama, cabinet, sofa at kung anu-ano pa ay pinagkagastusan.

I'm excited to kill the Elizondos, Dad. Don't you worry. I will never be one of them. Never.

Nahiga ako sa kama ngunit ang paa ko ay nanatiling nakalapat sa sahig. What should I do now? Mukhang habang narito ako ay kailangan kong gumawa ng plano.

Napapikit ako habang nag-iisip. Habang tumatakbo ang oras ay mas nagiging malinaw ang bawat planong naiisip ko, nabubuo ang mga hakbang ko kung paano ang gagawing pagpapabagsak sa mga Elizondos lalong lalo na kay Jackson Elizondo.

Katulad ng inaasahan ay naging mahigpit sila sa akin. Hindi ako nakalabas ng kuwarto at palagi lamang dinadalhan ng pagkain ng kasamabahay. Isang beses ay pumasok nalang sa isip ko na patayin ang papasok at tumakas sa masyon pero alam kong imposible iyon.

Bad ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon