Kabanata 8

70 2 0
                                    

Kabanata 8
Alyssa


After what happened I spend my time here at the garden. Trying some of the advance weapons they have here. Wala namang pumapansin sa akin dahil busy ang lahat sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Alam kong hindi dapat ako makampante dahil hindi rin magtatagal ay makikilala nila ako. Bago pa nila malaman ang sikreto ko, sisiguraduhin kong napaniwala at napahulog ko na ang loob ni Elizondo.

Hindi ko na nakita pa si Leinder, hindi ko rin naman alam kung saan siya nagpunta. Maging si Qian ay hindi ko parin nakikita at himala rin na wala si Kayz. Alam kong hindi rin maganda ang magiging trato ni Kayz kay Alyssa.

Inabot na ng ala siete ng gabi nang mapansin kong dumarami ang tao rito sa garden. I'm already done with my dinner. Kumain na ako kanina nang magutom.

Tumigil na ang lahat sa pag-eensayo kaya naman maging ako ay nakisabay at tumigil na rin.

Lumikha ng ingay ang malaking speaker na nasa gitnang bahagi ng hardin. Pumukaw ito sa atensyon ng lahat. What's happening? Ilang segundo kaming napatakip ng tenga dahil sa hindi magandang tunog na nililikha nito.

Ang mga narito ay nagsimula ng pumorma ng pabilog. Malaki ang espasyo sa gitna na hanggang ngayon ay wala akong clue sa kung anong mangyayari!

Nakita ko sa kanang bahagi si Leinder. May kalayuan ang kaniyang puwesto sa akin.

Hindi ko magawang magtanong sa mga kalapit ko. I stayed silent until a voice was heard on the speakers. Sino ang nagsasalita? Is it recorded?

"Good evening everyone! I know that you already spend your whole time today on training yourselves!" naghiyawan ang lahat ng marinig iyon. Hindi parin malinaw sa akin kung kanino nanggagaling ang boses na iyon.

Ito ba ang kinukuwento ni Leinder kanina? Changing positions?

"I know you already heard the news. Did you?" mga tango at hiyaw ang muling ibinigay ng mga tao.

Elizondo have a lot of underlings! Halos mapuno ang malawak ng bakuran nila. If you'll not used to this for sure you will be afraid! Napakaseryoso ng mga taong narito and that's normal when you're part of a mafia group.

Biglang sumagi sa isip ko sina Dad. How are they? Alam na ba nilang narito ako at bihag ng mga Elizondos? Kapag nalaman niya iyon, alam kong magkakaroon ng gulo. I remember his last words saying how much he wants to see Elizondos' blood particularly the real person who's bringing that name.

"Nothing won't change but I still hope I can win this though, " parang gustong humaba ng tenga ko para lamang mas marinig ng malinaw ang mga usapan ng kalapit ko.

Nothing won't change? Saan?

"Nahulaan ko na 'yon. Lahat naman ay karapat-dapat sa posisyon nila ngayon. I want to win too." Hearing those enlighten my thoughts a little.

Hindi mababago ang posisyon na meron ngayon ang Elizondos. The only thing that's bothering me ay kung anong posisyon ang tinutukoy nila. Is it the rankings or position on who's going to manage their mafia? Why do they want to win? May laban pa rin ba?

"Are you ready?!" mas lalong lumakas ang sigawan ng mga narito. Ang tanging nakasisigurado lang ako ay tuloy pa rin ang laban!

"Let's start then!" kasabay ng muling pagsigaw ay ang pagpatay ng mga ilaw na nagsisilbing liwanag. Wala akong makita dahil sa kadiliman.

Agaw eksena ang pagbukas ng mga malalaking telebisyon sa bawat sulok ng hardin. How the heck I didn't notice that earlier?

Palakas ng palakas ang sigawan at hindi ko alam kung may ilalakas pa ba 'yon nang magsimulang mag-play ng isang video. It is a video compilation. Compilation ng mga laban nila, ipinapakita ang bawat mukha ng mga nanalo sa mga nagdaang taon.

Bad ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon