Kabanata 5

61 2 0
                                    

Kabanata 5
Baril

Dahan-dahan kong kinapa ang susi. Hinayaan kong gawin ng lalaki ang nais niya. Habang ramdam kong humaling na humaling siya ay hindi niya na nahalata ang pagtanggal ko ng susi niya sa kaniyang pantalon. Do you really need to do this? Pagsesermon ko sa sarili. Mabilis kong itinago ang susi at isiningit sa loob ng cycling na suot-suot ko. Kung hindi ko iyon itatago ay mahahalata niya ako at baka hindi pa ako makatakas. But for sure ay alam niyang ako nga ang siyang kumuha ng susi dahil ito ang pinag-uusapan namin kani-kanina lang.

Because of this bidding I'll be in trouble.

Nang masiguro na ayos na ang lagay nito ay nagkunwari akong nakikiliti.

"S-stop... You shouldn't do it here," wika ko at inilayo ang leeg sa kaniya. Shit, I can feel his saliva.

"Okay, then let's go somewhere private later," ngiting aso nitong suhestiyon.

Tumango nalang ako at ngumiti.

"I just need to go to the restroom. I'll be back," nagmamalanding tono ko. Ngumiti naman ito pabalik at muling nagbalak na ilapit ang mukha but this time mukhang labi ko ang puntirya. No, not there bastard!

Mabilis akong humakbang paatras.

"See you later, honey," pagpapaalam ko at kumindat. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Nang muli kong ilibot ang paningin ay wala na ang lalaking sumesenyas kanina. Nasaan na ang mga pamilyar na mukhang nakita ko? Nasaan ang Elizondos?

Binilisan ko ang kilos. I need to find the place where they hide the jewelries. Lumabas ako sa loob ng bulwagan na pinaggaganapan at isa-isang pinasok ang iilang malalapit na kuwarto na pinanghihinalaan kong maaaring paglagyan ng mga gamit. Napansin ko ang isang bukas na kuwarto. Napaatras ako nang makitang maraming dugo sa loob. Ginamitan ng silencer ang mga ito dahil hindi manlang nag-cause ng ingay.

Mukhang nakapunta na ang Elizondos rito.

Are the CCTV's still working? I hope not dahil mamumukhaan ako. Apat lang ang susi kaya mabilis kong makikita ang mga jewelries. Nilapitan ko ang mga lagayan ngunit mas ikinabigla ko nang makitang wala na itong laman. Nakuha na ba nila?! Iniwan na nila ako?! How?!

Halos lahat ay muli kong binuksan at nakitang iisang lagayan lang ang walang laman. Pero ang sabi ni Mr. Gomez na naka-lock ang mga lagayan! Sinuri ko ang malalaking locker at nakitang wala itong susian. Ibig-sabihin lamang ay hindi ito nakalock! Or maybe, ang nakuha ng Elizondo ay peke, replika? Mabilis akong kumilos. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kailangan kong mahanap ang mga alahas.

Isinarado ko muna ang pintuan upang walang makahalata at sa huling pagkakataon ay inilibot ko ang paningin sa kuwarto. Then I notice something different. Ang tiles sa pinaka sulok ay parang bagong lagay lang, parang ipinatong lang. Don't tell me ginawa rin nila ang taktika namin noon sa pagtatago ng baril? Napatawa ako.

Nilapitan ko ito at doon ko lang napansin ang maliit nitong butas. Ito 'yon panigurado! Ito ang secret locker nila. Ginamit ko ang mga susi at sa pangalawang try palang ay bumukas na ito.

Disappointed to see a small painting, not jewelries. Where are the other three items?

Ilang segundo lang ay naproseso na ng utak ko ang lahat. Tumayo ako sa pagkakaluhod at inikot ang apat na sulok ng kuwarto. Ang bawat tiles sa mga sulok ay katulad ng nakita ko! May maliit na butas na hindi mo masyadong mahahalata! Binuksan ko ang isa pa at babasaging vase lamang ang nariyon. Mukhang mamahalin at maganda ang disenyo. Makaluma.
Lumapit ako sa may halos malapit sa pintuan at binuksan ang ikatlo.

Nalaglag ang panga ko nang sa wakas ay makita ang napakaraming alahas. Ito na 'yon.

Nakarinig ng alarma mula sa labas.

Bad ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon