Kabanata 3
NightmareNang maglaho na ang boses nila ay saka lamang ako lumabas sa pinagtataguan at tinuloy ang paglilinis.
Habang nagwawalis ay naglalakbay ang isipan ko at kung hindi pa ako sinita ni Sopia nang makita ako ay baka natagalan na ako roon. She insisted to help me, aniya ay malawak nga naman iyon at aabutin ako ng ilang oras pa kung hindi ako magpapatulong.
"Hugas na ang kinainan kanina. Iyon talagang si ma'am Kayz kung anu-anong inuutos kaya hindi siguro magustuhan ni Sir. Jackson," naagaw ang atensyon ko roon. Hindi magustuhan?
"Hindi ba sila?" she shook her head, "Hindi ko rin alam pero mukhang hindi naman."
May iilang mga nalalaman ako dahil sa kadaldalan ni Sopia kung minsan ay ituturo niya sa akin ang ilang litratong nakasabit doon na halos myembro at mga ninuno ng Elizondo.
That was how my day always works. Palagiang may utos si Kayz kapag nagkikita kami at palagian naman akong tutulungan ni Sopia. Si Dina ay hindi nagdadala sa akin ng pagkain dahil palagi ko na ring kasama ang mga kasambahay sa pagkain. Unti-unti ko na ring nalilibot ang buong masyon.
Ni hindi ko na muling nakausap pa si Elizondo pero kapag minsan ay nakikita kong umaalis sila sakay ng kotse at laging nakabuntos si Kayz sa kaniya. Habang tumatagal ay mas naiirita lamang ako sa kaniya.
"Balik na muna ako sa kuwarto ko, Sopia," pamamaalam ko matapos ibalik ang mga gamit.
"Sige, magpahinga ka na at marami kasing pinagagawa si Ma'am Kayz sa iyo." I nodded. Kahit siya ay pansin din ang sandamakmak na pinapagawa sa akin. I'm glad that she's willing to help me.
Pagdating sa kuwarto ay lagkit na lagkit ako sa sarili pero hindi ko magawang maligo dahil pasmado ako pagginawa ko iyon.
Nagpalit nalamang ako ng damit at pagod na pagod na sumalampak sa kama. I'm doing all of these for our group Dad. Gusto kong maging proud siya sa akin lalo na at pakiramdam ko minsan ay nagiging distansya siya.
Ipinikit ko ang mata at hinayaang magpahinga ang sarili.
Mayamaya lang ay isang sigaw ang bumulabog sa akin.
Shit, anong kaguluhan 'yon?
Mabilis akong nagmulat ng muli ko na namang narinig ang ingay, isang iyak at pagmamakaawa.Sigaw ng paghihirap.
Tumayo ako at tumakbo, tinahak ko ang daan pababa at sinundan ang pinanggagalingan ng ingay. Habang papalapit ako nang papalapit ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. The hell! Anong mayro'n sa kuwartong ito? Ito ang kwarto kung saan ko nakausap si Jackson.
"F-fuck you Elizondo! Mamamatay ka rin! Ahh!" nanginig ang buong katawan ko nang marinig ang pamilyar na boses. Parang umikot ang buong kalamnan ko dahil doon.
Dad!
Mabilis ang takbo ng puso ko at parang may kabayo roong nag-uunahan. Tears started to pooled my eyes as the screams grew louder.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at nagulat sa huling nasaksihan.
"No!" sigaw ko ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Elizondo at muling binaril ng ilang beses si Dad.
Tangina mo Elizondo!
Mas lumakas ang hagulgol ko nang makitang hindi na humihinga ang ama ko.
BINABASA MO ANG
Bad Clandestine
AksiCruelia Valdeabella is the secret daughter and heiress of the Valdeabella but when she was saved by their rival mafia group, the Elizondos, she pretended to be someone named Iya Valdez. Gusto lang niyang makatulong sa sariling grupo niya at para mag...