Kabanata 6

50 3 0
                                        

Kabanata 6
Target


Walang gana akong gumising kinabukasan. Kinatok ako ni Sopia dahil akala niya ay nakalimutan kong gumising ng maaga pero imbis na lumabas ay itinaboy ko ito. Wala ako sa mood para magpatuloy lang magpaalipin kay Kayz. Sa ayaw o gusto niya ay hinding hindi ko na muling susundin pa ang kahit anong utos niya. After all Kayz and Elizondo are the person I hated the most now. Oras na para masira ang kung anong mayroon sila.

Hindi ako makaramdam ng saya at bakit ko naman gugustuhing maramdamanbiyon sa loob ng mansyon na ito? What's wrong with me? Oh, nothing's wrong Cruelia, si Elizondo ang may mali dito. Nang dumaloy sa katawan ko ang tubig, saka ko lang naramdaman ang hapdi sa leeg ko.

"Shit." mahina kong mura. Kailangan ko pa pala gamutin 'to. Sinulyapan ko ang itsura nito sa sa salamin. Napangisi ako, tila natanggal ang maliit na parte ng balat nito. May parte sa kiss mark ni Mr. Gomez na nabura at natanggal. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako tinuluyan ng demonyong 'yon. Why not in my head or chest? I wonder what's his plan.

Pagkatapos magamot sa loob ng banyo ay humanap ako ng damit at may ilang damit akong nakita sa cabinet na nasa kuwarto. Pwede na rin. Hindi ko alam kung saan galing pero nagkasya naman.

Isang simpleng maong na pantalon at maluwag na t-shirt ang sinuot ko. Wala na akong pakealam kung maging baduy man ang suot ko.

For now, I'm only sure of one thing... Mas lumamang na ang galit ko sa takot. This anger and hatred that I'm feeling right now makes me forget my fear towards Elizondo.

Lumabas na ako ng kuwarto. Hindi ako papayag na gutumin nila ako rito. I will have my revenge without letting myself suffer like this.

Napansin ko na medyo marami ang tao sa mansyon. Anong meron? May iilan akong nakakasalubong. Hindi ko sinubukan na bigyang pansin ang mga ito.

Bumaba ako at nakitang mas marami ang tao roon. Kita na agad ang dami ng bisita mula rito sa bintana sa taas. Makikita maging sa napakalawak na hardin ang mga bisita.

"Hey, how are you?" napatigil ako sa paglalakad ng may humarang at magtanong sa akin.

Isang lalaking may konting kahabaan ang buhok. I remember this guy...

Siya ba 'yong kasama ng doctor noong unang araw na nagising ako?

"Fine." simple kong sabi at hindi ngumiti.

"Good to hear that. Mabuti pa at pumunta ka mamaya sa likod." Aniya, ang hardin ang sa tingin ko'y tinutukoy niya dahil nasa likod itong bahagi ng masyon. Halos ilang sasakyan ang maigagarahe rito kung nagkataon dahil sa sobrang lawak.

"For what?" kunot noo kong tanong.

"Training day. Every month we train our allies. And today is not just a normal training day because every year nagkakaroon ng kumpetisyon na ginaganap din mismo at itinatapat sa araw ng training day at dito rin naihahalal ang panibagong pupuwesto sa matataas na posisyon. You're lucky na makikita mo ito 'cause like I said It only happens every year. Sometimes tumatagal kapag nakikitang maayos na nagagampanan ang puwesto." Hindi ko namalayan na napapasunod nalang din pala ako sa paglalakad niya papunta sa garden.

May mga harang sa bawat sulok ng garden. Parang pader pero iba ang kulay nito, black.

"What's that?" tanong ko, tinutukoy ang mga itim na tila pader.

'"Protection. Bulletproof. Hindi tatagos ang bala kaya walang masasaktan sa labas nito. It will also prevent arrows and other weapons from goin' out. You know, hagisan dito, hagisan doon." tumango lang ako at muling nanahimik.

Not new. Nagte-train din ang mga Valdeabella pero hindi ganito ka pribado. Masyadong tago ang sa kanila, tanging liwanag nalang mula sa ilaw ang nagtatanglaw sa naging madilim na hardin.

Bad ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon