Andito ako ngayon sa library. May assignment kasi kami na Hindi ko pa nagagawa kaya dito ko na lang sa library gagawin, and besides, lunch naman ngayon eh.
Habang nagsusulat ako, naramdaman kong may dumamping balat sa gilid ko.
Si Ken.
Bigla ko tuloy naalala si Ren.
YUNG GWAPO KONG CRUSH!"
At yung panyo
Iniwan ko lang yun sa bahay para ma preserve yung......err! Alam niyo na yon!"Namumula ka. May sakit ka ba?"
Mahinaong tanong ni Ken Sabay dampi niya ng kamay niya sa noo ko.
Dugdug* dugdug*
Arghh! Ang lakas ng tibok ng puso ko tsaka namumula pa raw ako! Ren umalis ka sa isip ko!
" W-wala naman, mainit kasi dito"
" Ha? May aircon naman ah! " sigaw ni Ken
" Shh! "
Sumbat nong librarian kay Ken. Buti nga sa kanya.
Nag peace sign lang si Ken.psh!
" Libre mo'kong marshmallow"
Nagpapacute na sabi ni Ken.
Feeling bata talaga! Marshmallow?! Kung bibili man ako non. Akin lang yun!
Inirapan ko na lang siya at binalik ang atensyon ko sa assignment ko.
Kung di lang pumunta dito si Ken malamang tapos na ako.
Arghh! Napaka annoying niya!
Focus Jammy!
Grabe naman kasi tong nga teachers! Last Friday tinambakan ba naman kami ng assignments!
Another arghh!
---
Okay last number na ako and tadaaa!
Tapos na ang assignment ko. Niligpit ko na ang mag notebooks ko at nilagay sa bag.
Aalis na sana ako kaya lang nakaharang si Ken sa daraanan ko. At natutulog.
Wala Akong ibang madaanan si kabilang gilid kasi is lalagyan ng mga libro.
Sa harap mesa at sa likod ko, wall na.
Balak ko sanang iwan siya kaso no choice. Kailangan ko siyang gisingin." Ken! Ken! Gising na! Ken! Uy! Ano ba gising na!"
Bulong ko sa kanya at mahina siyang tinapik sa braso.
Maya Maya pa lumabas ang librarian. Hmm may 30 minutes pa namang natitira para sa lunch, baka bibili ng foods.
Di pa rin gumigising si Ken. Kaya pinatong ko na rin muna ang ulo ko sa mesa at naka tagilid ang ulo gaya ng sa kanya.
Bale magkaharap na kami.Pinagmasdan ko na muna siya.
Hmm. Same lang naman sila ng mukha ni Ren. Pero pag gising siya , mahahalata mo na ang difference sa mga mata nila, kaya makikilala mo talaga kung sino si Ken at sino si Ren.
Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa mukha niya.
Dibale na tulog naman.
Gusto Kong kabisaduhin ang bawat anggulo ng mukha niya.
Dun ko lang napansin na may maliit pala siyang nunal sa labi niya. As in ang liit parang tuldok lang.
Wait baka naman dumi lang to or ballpen lang?
Subukan ko kayang tangglain? Baka kase dumi lang?
Wag na lang baka magising pa at mapagkamalan niyang ninanasaan ko siya.
Iaangat ko na sana ang ulo ko ng bigla niya tong hawakan at pinatong ulit sa mesa.
Dahan dahan niyang minulat ang mag mata niya at ngumisi.
Psh! Baliw talaga.
"You're staring me for almost 10 minutes, You like me?"
"H-ha? H-hindi noh may dumi k-kase s-sa lips m-mo"
Shit! Ang init ng mukha ko! Assuming kasi netong baliw nato!
" Ha? Asan?"
"Ayan oh"
Sabay turo ko sa lower lip niya sa bandang gilid.
" ha ? Di ko makita. Pwede mo bang tanggalin?"
"H-ha? Ay di pala y-yan d-dumi ,n-nunal pala siguro yan"
"Ha? Wala naman Akong nunal sa labi ko ah. Dumi yan sigurado ako.Pakitanggal naman ohh"
Sabay ngiti niya sa akin. Yung ngiting inosente.
Gulp*
Dahan dahan Kong inangat ang kamay ko para tanggalin ang dumi sa labi niya.
Bat ang hirap tanggalin ? Baka naman permanent marker to?
Kinuskos ko pa yung index finger ko sa labi niya.
Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang index finger or hintuturo ko at dinilaan.
Agad ko naman itong binawi at tumayo.
" Bastos! Alis nga!" Singhal ko sa kanya.
Agad naman siyang tumayo habang tumatawa. Inis Akong naglakad papuntang door.
" By the way, nunal talaga to"
Tsk. Bwesit talaga.
Agad na Akong nagtungo papuntang room.
-------
Aweee keneleg akech!
Don't forget to vote and comment!

BINABASA MO ANG
THE TWINS AND ME (NOT EDITED)
Teen FictionJammy Mendez- Isang simpleng babae , matalino maganda may pagka maldita pero minsan ay isip bata. Galing sa di masyadong mayaman na pamilya. Ngunit ang simpleng buhay niya ay magbabago ng makilala niya ang kambal. Pero ng dahil din sa kambal ay matu...