Andito pa rin kami ni Ken sa rooftop.Natulala kasi ako sa sinabi niya.
Nag sorry? Si Ken sa akin?
" Pfft hahaha! "
Di ko napigilan na napatawa.haha ang epic kasi nung mukha niya, haha pero mukhang sincere naman sila sa pag hingi niya ng sorry.
" Ahm ehem ehem, bat Pareho kayo ng kulay ng mata ni Ren!"
Sigaw ko sa kanya, pero napasapo ako sa nko ko ng narealize ko ang ang sagot.
malamang kasi may contact lenses siya! Tanga ka talaga Jammy!
" Pareho kasi talaga kami ng kulay ng mata ni Ren, kaso nagkasundo kami na magsout ako ng contact lenses para di kayo malito. Eh sa tinamad Akong isuot ang contact lenses ko eh! Tsaka absent din naman siya, kaya okay lang"
I'm speechless!
Pareho talaga sila ng kulay ng mata? Eh? Baka naman niloloko lang niya ako?
Pero bat absent si Ren? Waah! Baka nagkasakit?!
" Maniwala ka kase!"
Sigaw niya sa akin. Pero si Ren ang inaalala ko! Baka mamaya na ang sakit niya! Tapos tapos may taning na pala ang buhay niya!
Hindeee pwedeeee!
Napatayo ako sa mga pumapasok na ideya sa isip ko.
" Luh? Ayos ka lang? Para kang baliw"
" ahm asan ba si Ren?"
Di ko napigilan na tanungin siya.pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Parang bigla siyang nalungkot.
" Ako yung kasama mo, pero siya ang nasa isip mo"
Nakayuko niyang sabi Tsaka tumayo at padabog na umalis.
Luh? Ano yun hugot? Nyare dun?
Naiwan tuloy Akong mag isa dito.
Hays wala talagang modo ang lalakeng yun.kaya ako nalang ang nagligpit ng telang nilatag niya at umalis na rin ako sa rooftop.baka mahuli pa ako sa klase.
Nasa room na ako at hinihintay nalang ang teacher namin. May 10 mins. Pa bago matapos ang lunch break.
Tsaka bat wala pa si Ken? Nauna naman syang bumaba ah? Asan kaya yun.
Abaa! Malay ko! - brain
Luh! Manhid ka kase ! - heart
Luh ka rin! Anong manhid pinagsasabi mo?!- brain
Manhid na nga tanga pa! - heart
Sumusobra ka na ah! - brain
Ano away! - heart
Gusto ko ng gulooo! - brain
Luh bat ko inaaway sarili ko? Dapat siguro magpa check up na ako.
" Good afternoon class!"
Wala ng bumate pabalik sa bagong dating na guro namin.
Nagsiumula na siyang mag discuss. Ako naman eto nakikinig lang.
Nasa kalahating oras na pero wala pa rin si K--
Blaag!
" Mr. Ken Dela Vega! How rude you are! Late na nga, may gana ka pang gumawa ng ingay!"
" Tsk pake mo?"
Lahat kami nagulat sa inasta ni Ken.basta dire-diretso lang siyang naglakad patungo sa tabi ko.
Nagpigil nalang ng galit ang teacher namin Tsaka tinuloy ang pag di-discuss.
Hanggang uwian walang imik si Ken. Hindi siya nangungulit, di niya ako pinapansin.
Nag-aalala na tuloy ako sa kanya. Unsa si Ren ngayon si Ken.
Naglalakad na ako pauwi. Hanggang sa nasa tapat na ako ng bahay. Kukunin ko na sana ang susi sa bag para buksan sana ang pinto.
Pero napansin ko na bukas na ang pinto.nagtaka ako kasi ako at si mama lang naman ang may susi para sa pinto.
Di naman ako kinakabahan, baka si mama lang.
At nadatnan ko nga si mama na nagluluto.
" oh mama napaaga ka po yata ng uwi?"
" sshh maupo ka na lang diyan at malapit na tong maluto, may sasabihin din ako "
Umupo na lang din ako at Maya Maya pa dinala na ni mama ang niluto ni mama.
Hmmm adobo.
Nilagyan na din ako ni mama Ng kanin at Sabay na kaming kumain.
" Nak nag resign na pala ako "
" ano?!"
" natanggap kasi ako bilang sekretarya sa isang malaking kompanya"
" what!"
-------------
A/N waahh! Happy reading sa inyong lahat! Thank you pala sa mga nag follow sa akin!
Vote and comment!
In short VOMMENT!
HAHA!
BINABASA MO ANG
THE TWINS AND ME (NOT EDITED)
Teen FictionJammy Mendez- Isang simpleng babae , matalino maganda may pagka maldita pero minsan ay isip bata. Galing sa di masyadong mayaman na pamilya. Ngunit ang simpleng buhay niya ay magbabago ng makilala niya ang kambal. Pero ng dahil din sa kambal ay matu...