Chapter 18

7.2K 134 5
                                    

--Ansherina--

Lalabas ako nang kwarto nang makaramdam ng gutom.

Naalala ko si Zy kagabi. Hindi naman sya sobrang nag lalasing kapag umiinom pero kagabi? grabe.

Ginawa akong teddy bear.

Swear!

"babe san ka pupunta?" hinawakan nya ako sa wrist ko.

"Gising ka na pala. Kakain lang mag luluto na rin. Gutom na ko" sabi ko.

Natawa sya.

"sasamahan na kita. Gusto ko ding matuto kung pano yung ginawa mong pagkain sakin kaya kita minahal ng ganito." sabi nya sabay wink.

"ang corny babe!" sagot ko.

Hinila ko sya palabas ng kwarto.Pero hinila nya rin ako papuntang banyo.

Dahil sa lakas at laki ng katawan nya, nahila nya ko.

"before tayo mag luto, mag hilamos muna tayo." sabi nya.

Napahiya naman ako don.

Sorry na agad! nakalimutan kong mag hilamos hahaha!

Kumuha sya ng toothbrush.

Nakapagtataka!

"babe paki abot naman yung toothbrush ko oh!" request ko sa kanya.

At ang loko! di ako pinansin!

"kung ayaw mo edi wag!" lalapit na sana ko sa lalagyan ng toothbrush pero hinarang nya ako.

Toothbrush ko na pala yung hawak nya.

Nilagyan nya iyon ng toothpaste at ipinasak sa bunganga ko.

"aray ha!" natatawa syang napatingin sakin kaya inirapan ko.

"o babe anong irap yan?" sabi nya.

"tsk!" hindi ko na sya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pag tu-toothbrush.

Nagulat ako nang hilahin nya yung toothbrush sa bibig ko at sinubo iyon.
Ngayon itinu-toothbrush nya yon sa kanya.

"yuck! Babe kadiri ka!!! may toothbrush ka naman diba?!? yuckkk!!" sabi ko sa kanya at pinagpapalo sya sa braso ng mahina.

Bagkus sagutin ay tinawanan nya lang ako.

Nag mumog na lang ako at nag sabon ng muka bago lumabas sa banyo. Nang matapos akong sabunin yung muka ko ay nag she-shave sya.

"gwapo ka na babe." sabi ko sa kanya sabay nanakbo palabas ng banyo.

"dahan-dahanbaka madulas ka!" huling sabi nito bago ako lumabas.

Napangiti ako.

Mukang bumabawi sya ngayon at nag leave pa sa trabaho. Sakto rin namang naka leave din ako ngayon.

Dumaretso ako sa kusina. Ano kayang masarap lutuin?

"babe!" napatingin ako sa tumawag.

"andaya mo naman! iniwan moko don!" sabi nya sabay pout.

ayy! ang cute!

Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko at pinicturan sya.

Lumapit ako sa kanya ng mas malapit at hinalikan ko sya sa labi. Tumugon naman ito at napangiti.

Isinabit ko sa leeg nya ang braso ko  at pinalalim ang aming halik.

"Ang aga aga ang tamis tamis!"

Napabitaw kami nang marinig kung sino yung nag salita.

"Kuya Tim! " sabay naming sabi ni Zy.

"o ano? wala bang pagkain dyan? tae! nagkakainan na pala kayo ng labi kaya bat pa kaylangan ng pagkain? Oy Zyller! halika nga dito at may sasabihin ako sayo!" sabi ni kuya Tim.

***********Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon