3

19 1 0
                                    

"Psst"

"Psssst"

Ano yun?

"Pssst!"

Napabalikwas ako at bigla akong nahulog sa upuan.

Nakatulog na pala ako habang nagmumuni muni. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng room, napansin kong marami rami na ang tao sa loob nito.

May instructor na din sa unahan. Nahihiyang tumayo ako at bumalik sa aking upuan.

Tumingin ako sa aking kaliwa para sana magpasalamat sa gumising saken ngunit walang naka upo doon. Nilingon ko ang akin likuran sa pag aakalang may taong nakaupo ngunit wala akong nakita.

Tila ba walang may gustong tumabi saken or mapalapit man lang. Nagtatakang nilibot ko ulit ng tingin ang kabuuan ng room at nakita kong lahat sila ay interesadong nakikinig sa instructor at hindi ako pinapansin.

Hindi ko alam kung matutuwa o mangamba dahil hindi nila napansin ang pagkahulog ko o dahil ba mukhang hindi nila ako nakikita. Nagdadalawang isip akong tumingin sa may dulo ng room at nakita ko na nandoon pa rin ang lalaki kanina.

Ngayong hindi na siya naka ub-ob sa mesa ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pag aralan ang kanyang kabuuan. Itim na buhok na mukhang hindi sinuklay, matangos na ilong at mapupulang labi. Ngunit ang kapansin pansin sa kanya ay ang kanyang mga mata. Dalawang pares ng itim na mga mata na walang emosyon.

Biglang napunta saken ang pagkakatutok ng matang iyon, nahigit ko ng aking hininga ngunit iniwas niya rin kaagad ang kanyang paningin.

Noon ko lang napansin ang dagundong sa aking dibdib.

Napagtanto kong nakikita pala ako. Hindi ko mapigilang matawa sa naisip ko. Malamang na nakikita talaga ako. Umiling nalang ako sa aking mga pinag iisip.

Hanggang sa makauwi ako sa boarding house, hindi pa rin nawala sa aking isip ang mga matang iyon.

At tuwing naiisip ko iyon at dumadagundong ang aking dibdib. May kung ano sa paraan niya ng pagkakatingin na nagpapa kaba sa aken.

Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon