5

20 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng hallway ng biglang namatay ang cellphone ko. Sinubukan ko itong paandarin ulit ngunit mukhang naubusan na ito ng baterya..

Hindi ako ang tipo na matatakutin at lalong hindi ako naniniwala sa mga hindi maipaliwanag na kababalaghan dahil mas naniniwala ako sa syensya. Ngunit sa pagkakataong ito, nananayo ang aking balahibo habang nakatanaw sa kahabaan ng daan papuntang banyo.

Tanging ang ilaw lamang galing sa labas ang nagbibigay liwanag sa maliit na parte ng hallway. Napakaliit lamang ng ilaw na tumatagos sa gilid ng saradong bintana malapit sa banyo at dahil doon nagmuka pang napakalayo nito.

Tinatagan ko ang aking loob at humakbang ulit. Bawat tapak ng aking paa ay tila bumibilis ang kabog ng aking dibdib.

Pinagpapawisan ako kahit napaka lamig ng paligid.

Nanginginig ang kamay na may hawak na pitsel ng tubig habang ang kabila ay paulit ulit na pinapaandar ang cellphone.

Nang malapit na ako sa mga nakahilerang cubicle, nangangatog ang tuhod kong hinawakan ang doorknob ng kaliwang cubicle ngunit biglang naitulos ako sa aking kinatatayuan nang makarinig ng kaluskos.

Hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Iba't ibang imahe ang pumasok sa aking isipan sa maaaring maging sanhi ng ingay na iyon dala ng aking takot.

Lumala ang pangangatog ng aking tuhod at kung hindi lang dahil sa aking pagkakakapit sa doorknob ay baka nakasalampak na ako sa sahig, mabuti nalang din at malakas ang aking kontrol sa pantog dahil kung hindi, siguradong basang basa na ako.

Huminga ako ng malalim at sinubukang kalmahin ang nangangatog kong kalamnam. Alinlangan aking lumingon sa aking likod ngunit wala akong nakitang kakaiba.

Biglang napunta ang aking paningin sa dulo ng hallway. Sa mismong tapat ng aking kwarto ay may pigura akong naaaninag sa tulong ng ilaw galing tumatagos sa gilid ng pinto. Mukhang may balak itong pumasok doon.

Sa mismong kwarto ko!

Napasinghap ako at nanlalaki ang mata habang ito naman ay mukhang narinig iyon ng pigura kasi napahinto ito at unti unting lumingon sa aking kinatatayuan.

Bumalik ang aking pangangatog, at biglang lumamig ang batok ko. Humakbang ito patungo saken. Dahan dahan noong una ngunit habang tumatagal ay bumibilis ang kanyang hakbang.

Hindi ako makagalaw at mukhang nabato na ako sa aking kinatatayuan. Dumadagundong ang kabog ng aking dibdib at parang nablanko na ang aking pag-iisip.

Bigla itong nawala dahil sa dilim ngunit naririnig pa rin ang kanyang mga yabag. Humahangos ito. Ilang sandali at biglang tumahimik ang paligid.

Asan na siya? Nanginginig man ang tuhod at sinubukan kong hamakbang para sana bumalik nalang sa aking kwarto.

"Psst."

Napahinto ako.

Parang bigla akong nabingi. Umiikot na ang aking paningin dahil sa sobrang kaba at takot na aking nararamdaman.

"Psssst!"

Bigla kong naalala ang nangyari sa silid aralan kanina. Ang gumising sa aken. Ang mga walang emosyong mata na nakatutok sa akin na para bang alam ang aking iniisip.

"Pssst"

Humina ang sutsot na parang napakalayo nito sa aking kinaroroonan. Binilisan ko ang aking hakbang ngunit biglang lumamig ang aking mga paa. Dahan dahan itong gumapang pataas ng aking katawan na tila na isang haplos ng malamig na kamay. Hanggang sa umabot ito sa aking batok na parang may humihinga doon.

Nabitiwan ko ang pitsel ng tubig at pati na ang aking cellphone at kasabay niyon ang paglitaw ng isang babae sa aking harapan na parang galit na galit na nakatingin sa akin.

"UMALIS KA SA PAMAMAHAY KO!!!"

"AHHHHHH!!!"

Napabalikwas ako ng bangon at biglang nahulog ang pitsel ng tubig dahil sa pagka sagi ko dito kaya natapon ang layman nito. Panaginip lang pala.

Habol ko ang hininga ko at pilit iwinawaglit ang masamang panaginip. Nanunuyo ang aking lalamunan kaya tumayo ako at kinuha ang pitsel ng tubig at lumabas ng kwarto.

Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon