6

28 0 0
                                    

Sumilip ako sa labas ng aking kwarto bago tuluyang lumabas.

Nanginginig ang kamay na hawak ang pitsel ng tubig at tinahak ang daan papunta sa kusina habang pilit isinisiksik sa isip na panaginip lang iyon.

Habang nilalagyan ko ng tubig ang pitsel ay naalala ko ang babae sa aking panaginip. Sa pagkakaalam ko any hindi ko pa siya nakikita sa boarding house ni minsan at lalong hindi iyon kamag anak ni Mang Jeph. Ngunit hindi ako sigurado dahil iyon ang kanyang sinabi.

Biglang lumamig ang aking kamay kaya napatalon ako sa gulat. Umapaw na pala ang tubig dahil puno na ang lalagyan kaya pinatay ko na ang gripo.

Nilibot ko ng tingin ang kusina. Binuksan ko ang mga pang ibabang kabinet upang humanap ng basahan na maaaring gamitin sa pagtuyo ng natapong tubig na nasa sahig. Umuklo ako para matingnang mabuti ang loob nito. Kinapa kapa ko ang loob niyon ngunit wala akong nakita o nahawakang tela man lang.

Tatayo na sana ako nang may napansin akong puting bagay na nakausli sa sulok at laking tuwa ko nang mahawakan ko iyon. Ito ay puting tela, siguro naman at pwede itong gamiting pangtuyo.

Nang hilahin ko iyon gamit ang isang kamay ay matigas ito. Para bang may nakaipit doon kaya mahirap hilahin.

Inilapag ko muna ang pitsel ng tubig at gamit ang dalawang kamay ay hinila ko ito ngunit mukhang hindi man lang ito natinag.

Huminga ako ng malalim at buong lakas na hinila ulit ito ngunit may malamig na bagay ang biglang humila sa aking kamay kaya napasubsob ako sa loob ng kabinet at makalas na itong sumara.

Nilukob ng takot ang buo kong pagkatao at nanginig ang aking katawan habang bumibilis naman ang pagtibok ng aking puso. Itinulak ko ng malakas ang pinto nito pero may naramdaman akong malamig na bagay sa aking balikat kaya napatigil ako at nilingon iyon.

"Shhh, andiyan na siya."

*Tok tok tok*

Nanlalaki ang aking matang nakatingin sa kanya nang biglas bumulas ang kabinet na kinalalagyan ko at bumungad sa akin ang babae sa aking panaginip.

"HINDI KA MAKAKALIGTAS SA AKIN! LUMAYAS KA NA DITO!"

"AHHH!"

Napabalikwas ako habang habol ang hininga at nanginginig ang aking kamay na inihilamos ko ito sa aking mukha. At nabibingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso.

Napakasamang panaginip. Posible kaya iyong panaginip na iyon? Ang managinip ang isang panaginip? Nasusuka ako sa sobrang sama ng pakiramdam. Tila hinahalukay iyon.

Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi ko na makontrol ang panginginig. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Para akong pinapalayas ng babaeng nasa loob ng panaginip.

Huminga ako ng malalim.

*tok tok tok*

Napatalon ako sa gulat at nahigit ang aking hininga. Sino kaya ang nasa labas? Biglang lumitaw ang mukha ng babaeng galit na galit sa aking isipan.

Kinilabutan ako. Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto at nakahinga ng maluwag. Umaga na. Natatawang umiling ako sa aking naiisip. Imposibling may kaugnayan sa totoong buhay ang aking panaginip. Umiling ako ulit at tumayo.

Kinapa ko ang ilalim ng aking unan ngunit wala akong nakapa doon. Nagtatakang iniangat ko ang aking unan ngunit wala talaga doon ang aking cellphone.

*tok tok tok*

Alinlangang lumapit ako sa aking pinto at binuksan iyon. Natulala ako sa aking natuklasan at biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Good morning Mad, mukhang kakagising mo lang ah, sorry kung naistorbo kita pero saiyo ba ito? Natanong ko na ang iba tungkol dito ngunit hindi daw ito sa kanila. Madeleine, okay ka lang ba? Namumutla ka. Mabuti pang magpahinga ka na lang muna, oh ito." Kinuha niya ang aking kamay at inilagay iyon sa aking palad at ngumiti.

"Nakita ko iyan malapit sa banyo. Mukhang nalaglag mo. O pano, mauna na ako sayo. Magpahinga ka ng mabuti." Tuluyan nang naglakad paalis si Mang Jeph.

Para naman akong naestatwa sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa bagay na nasa aking palad.

"Ay Madeleine, pahiram pala muna nitong pitsel mo ah, naiwan mo ata dito sa kusina." Sabi ng isang babaeng nangungupahan din dito kaya napaangat ang aking paningin at napatitig sa bagay na kanyang binanggit.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa ibabang kabinet at napatigalgal ng malamang bukas iyon. Biglang lumitaw galing sa hagdanan ang lalaking nakita ko sa paaralan kahapon at napatingin din ito sa akin, ang kanyang walang emosyong mga mata at tila nanguusig, tila alam nito ang mga nangyayari sa akin ngunit bigla itong iwas ng tingin naglakad din agad palabas ng boarding house.

Nanghihinang isinara ko ang aking pinto at tinitigan ang bagay na isinauli ni Mang Jeph. Ang kanina ko pa hinahanap. Ang aking cellphone.

Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon