1

72 1 0
                                    


Pangatlong araw ko na ngayon sa bagong boarding house na inuupahan ko.

Lumipat ako kasi yung dati 'kong inuupahan ay malayo sa school. Ngayon sa bagong boarding house pwede ko nang lakarin ang distansya papunta sa school.

Pagkatapos 'kong magluto, dumeretso na ako sa banyo para maligo. Sobrang aga pa. Wala pa akong nakitang ibang gising bukod saken habang nag lalakad ako sa hallway kung saan nakahilera ang napaka daming pintuan.

Nang naabot ko na ang banyo, pumasok ako kaagad sa gitnang pintuan sa tatlong cubicle para sa babae.
Habang naghuhubad ako, nakarinig ako ng mahinang kaluskos....

Napatigil ako sa aking ginagawa at pinatay muna ang gripo para mapakinggan ng maigi kung ano man ang ingay na iyon. Napaka tahimik ng paligid.

Tanging ingay lang ng mga insekto ang aking naririnig kaya pinagpalagay ko nalang na guni guni ko lang iyon. Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa.

Habang sinasabon ko ang aking mga hita ay bigka na naman akong nakarinig ng kaluskos.

Sa pagkakataong iyon, ang ingay ay napagtanto kong galing sa kaliwang cubicle kung saan ako naliligo. Parang binubuksang gripo ang tunog na iyon ngunit Hindi ko narinig ang pag agos ng tubing.

Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ko ulit ang pagligo. Matapos kong maligo ay lumabas na ako sa aking pinagliguan.

Tiningnan ko ang pintuan ng katabing cubicle ngunit sarado ang lock sa labas. Ibig sabihin, walang tao sa loob niyon. Nagtataka man ay ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad pabalik sa aking kwarto.

Baka nagbanyo lang sandali at umalis kaagad, Sa isip isip ko.

Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon