7

15 0 0
                                    

Lakad takbo ang aking ginawa para maka abot ako bago magsimula ang unang subject.

Nang dahil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari kagabi, kung to too nga na iyon, at kaninang umaga sa pagkakatuklas ko na kung saan ko naiwan sa panaginip ang mga bagay na iyon ay doon din ito natagpuan, ay nahuli na ako sa pagpasok sa klase.

Kung totoo man iyon, ibig sabihin lang niyon ay totoo din ang babae sa aking panaginip. Tumayo ang aking mga balahibo sa naisip.

Imposible. Napaka imposible talaga. Ngunit paano ko maipapaliwanag ang mga natagpuang bagay? Bakit ako? Ano ba ang kanyang ikinagagalit sa akin?

Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang masama sa loob ng tatlong araw kong pamamalagi doon. Ano ba ang meron sa boarding house na iyon at pinapalayas ako? Ganoon din ba ang mga nangyayari sa mga naninirahan doon?

Naguguluhang pumasok ako sa silid aralan. Namamanghang inilibot ko ang tingin sa loob. Halos lahat ng upuan ay ukopado na. Ngayong pangalawang araw ng klase ay dumami ang dumalo.

Nagpalinga linga ako upang humanap ng bakanteng upuan. Napansin ko ang isang upuan na nasa pinakadulong bahagi ng silid. Sa mismong tabi ng lalaking may mga matang walang emosyon.

Naalala ko ang mga katanungan ko sa sarili. Pareho kaming nangungupahan sa boarding house na iyon. Baka may mga sagot siya doon.

Nang makita ko siyang nakatingin saakin ay nag lakas loob akong naglakad patungo sa kanyang pwesto.

Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon