Cloud's POV
It's been a week na hindi ko nakikita si Yannie dito sa dorm and I'm getting worried. Simula kasi nung kinaumagahan na nakita niya ay nila pala at nakipagbonding sa mga "CHILDHOOD BESTFRIENDS" nila umalis na lang siya at hindi nagpakita. Alam kong hindi ko naman dapat siya pinoproblema pero kasi parang di kompleto ang araw ko ng hindi siya nakakaaway. Ewan ko ba wala naman siyang ginawa sakin pero gusto ko siyang iniis.Sabi nila Ethan inlove lang daw ako kay yannie katulad ng pagkagusto niya kay Roxanne ng unexpected. Ewan ko sa bading na yun bigla na lang siyang umuwi na may ngiti sa mga labi na akala mo nanalo, eh si Rox lang naman kasama niya nung araw na yun.
Si Lawrence naman sabi niya baka kasi namimiss ko lang daw si Yannie kaya ganun. Sabi ko sakanya wag niya akong igaya sakanya na hindi makatiis na di makita si Tricia kahit araw ataw niyang kinukulit ito. Tapos di pa makasmin kay Tricia na naiinlove na siya. Abnormal nga yun eh ewan ko ba kung bat may pa contract contract pa kung pwede naman ligawan agad. Ito namang si Tricia ang arte pachoosy pa eh halatang gusto naman si Lawrence kunwaring ayaw pa at nakikisama lang. Pustahan tayo magiging official yang dalawang yan.
Nung nakainuman ko naman nang isang araw si Ace sabi niya libog lang daw. Galing diba? Ang bastos ng bunganga nasapak ko tuloy siya kahapon kaya hindi siya nakapasok ngayon araw sabi niya naman joke lang daw ang ibig niya daw sabihin baka daw mahal ko na si Yannie. Parang hindi totoo. Ako maiinlove kay Yannie? Kailan kapag pumuti ang uwak or kaya magkasnow sa pinas? Di porket tuwang tuwa siya na meron siyang nalalandi eh itutulad na ko sakanya di ako malibog ano, siya lang yun.
Pero ewan ko ba ilang araw ko nang naiisip si Yannie sa sobrang kakaisip ko nga nung naglelesson kami tinawag ako ng teacher ko nakatulog kasi ako ginising niya ako tapos napasigaw ako ng malakas at ang pangalan niya ang nasabi ko kaya natukso ako ng mga kaclassmate ko pati na rin nung mga abnormal kong kaibigan at mga "Iniibig" daw nila. Hay buhay, ewan siguro kapag nakita ko na siya tsaka ko na masasabi ang feelings ko sa payatot na yun. Kasi kahit ako inoobserbahan ko ang sarili ko sa bawat kilos ko. Minsan kasi kapag natatapat ako sa kwarto nila Yannie di ko mapigilang tignan kung andun ba siya o wala. Tapos nung sinabi ni Mommy sakin na si Yannie ang matagal ko nang fiancee ay tuwang tuwa naman ang kaloob-looban ko pero yung isip ko iba yung reaction naging baliw at gumagawa ng paraan para di matuloy ang kasal. Sabi pa niyo sakin na para kay Chloe lang ang puso ko wala nang iba. Kaya hanggang ngayon naguguluhan parin ako kaya sana makita ko na yung payatot na yun.
"Cloud, par! Nakita mo ba si Criz?"- napalingon ako kay Ace na kakababa lang at meron pang blackeye dahil sa ginawa ko.
"Mukha ba kong hinahanap ng nawawalang tao?"- malamig kong sabi sakanya at tinignan ng parang tinatamad. Halata naman kasing pumasok si Crizelle eh. Kaming dalawa lang naman kasi ang nandito. Like duh?! Commonsense my friend. Okay stop nagtutunog Yannie ako tama na.
"Luh? Share mo lang? Di porket wala kang number ni Yannie at namimiss mo yung tao ganyan ka na kasungit? Di ka ba lab ng mama mo? Ha?"-sarkastikong sabi niya sakin kaya tinignan ko na lang siya at inasar siya pabalik.
"Ha? Hakdog"-sabi ko sakanya bago tunayo at dumiretso sa ref para kunin ang cheetos ko at lumabas sa backyard.
Kahit kailan talaga yung panget na yun cancer. Sa LOL at DOTA pa lang cancer na pati ba naman in person. Pilipino nga naman.
"Uy Cloud!"- napalingon ako sa kapitbahay naming si Iñigo kakalipat lang nito last week. Una ko siyang nakita nung matanggal ang kalas ng strap ng aso niya at nahuli ko ito. Kaya bilang pagpapasalamat naglunch kami. Tapos naging kaibigan ko siya na pero siya lang ang nagsasabi. Kascholmate ko rin pala ang hayop na to.
Tinanguan ko lang si Iñigo bilang tugon ayoko magsalita feeling close kasi yan eh. Understandable naman ma sakin siya lalapit pero kasi nung sinabi niya na nagagandahan siya kay Yannie at balak itong ligawan ay nabadtrip na ko sakanya kaya di ko siya pinagpapansin.
"Cloud sama ka mamaya"- biglang tanong sakin ng hayop na to kaya napakunot ang noo ko sakanya. Nginitian naman niya ko ano to mongoloid?
"Saan? Hayop?"-syempre ibinulong ko na lang ang huli para di niya tayo mahuli baka mamaya akalain niya siya kahit sa totoo siya talaga.
"Punta tayo BGC meron kasi akong pupuntahan na party. Ininvite kasi ako as Dj tapos pinayagan nila akong magsama ng kaibigan. Ano game ka?"- tanong niya sakin which is di ko rin alam ang sagot kung oo ba ko o hindi
"Tignan ko kung makakasama ako"- sabi ko sakanya at binalik ang atensyon ko sa cheetos na kinakain ko at tumingin sa kawalan.
"Uy Iñigo!"- napatingin ako kay Ace na kakalabas lang galing kitchen. Katapat kasi ng kitchen ang backyard which is diretso sa pool. Sa gilid naman nito ay mga reclining chair kung saan ako nakaupo at isang slide na maliit tapos meron pang floating flamingo sa pool na wari ko ay pagmamay-ari ni Roxanne.
"Uy Ace ikaw pala. Jan ka pala nakatira?"-sabi ni Iñigo kay Ace habang tinutuloy ang pagdidilig niya ng halaman sa bakod niya.
"Oo par, di ba nasabi sayo ni Cloud?"- sabi ni Ace habang pumuwesto sa katabing reclining chair sa pwesto ko.
"Hindi par, tahimik lang kasi yan eh. Diba Cloud"- sabi ni Iñigo na di ko ulit pinansin.
"Hahahahaha awtsu snob, yaan mo na yan par may menopause. Di pa kasi mahanap yung jowa niya eh"-pangasar na sabi ni Ace kaya sinipa ko siya na dahilan para malaglag siya na nagpaaray sakanya.
"G*go ka Cloud masakit! Ikaw kaya sipain ko kung matuwa ka"-sabi ni Ace nang balakin niya konv sipain pero bago niya ko masipa tinignan ko siya na para bang nagsasabing 'sige tuloy mo makakatikim ka mamaya' kaya hindi niya na tinuloy at binigay ang tingin kay Iñigo na tumatawa.
"Bat si ba jowa nyan ni Cloud at mukhang patay na patay siya hahahaha"- pabirong tanong ni Iñigo kay Ace at ito namang si ulupong sasagot na sana kung di ko lang tinugnan nang masama ay di pa tatahimik.
"Wala par wala"- sabi na lamang ni Ace kay Iñigo dahil alam niya ang kakalagyan niya kapag siya ay nagsalita .
"Hahahaha okay sabi mo eh. Ano sige Cloud alis na ko chat mo na lang ako kung may sagot ka na sige Ace alis na ko hanap na ko ni Maris eh baka mamaya magtantrums nanaman yun"- sabi ni ni Iñigo kaya tinanguan ko na lang siya at inapiran naman ito ni Ace.
"Sige par kamusta mo ko kay Maris. Pakisabi yung brownies ko pakigawa na kukunin ko na mamaya sa condo unit niya"- havol na sigaw ni Ace at tumango naman pabalik si Iñigo at dumiretso na sa sala para makalabas ng bahay.
"Cloud, alammo wag ka na lang umupo jan try mong-"- bago pa maituloy ni Ace ang sasabihin niya at tumayo na ako at napagdesisyunan na iwanan siya at pumanhik sa aking kwarto. I hate hearing his annoying voice and nonsense advice, so i decided to leave him alone at the kitchen.
——————————
________________
That's all for today thank you guys
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Hearthrob and Goddess (On-going)
Roman pour Adolescentsauthor's note