Lawrence's POV
Kanina pa ko nandito sa bleachers tinititigan ko si tricia habang nakaupo sa may puno malapit sa hallway ng lower years, habang nakasuot ang kanyang earphones at nakapikit ang mata.
Dala ko rin ngayon ang camera ko na bigay sakin ni tito Lorenzo na dating Bestfriend ng tatay ko. Medyo may kalumaan na siya pero maganda parin ang kuha nito.
"Oh Lawrence ikaw pala"- napalingon ako sa humawak sa balikat ko at nakita ko ay si Jaqueline lang pala
"Oh Jaq! Musta? Balita ko kasali ka sa National Photojournalist Contest: Mga kabataan pagasa ng bayan, ahh"- sabi ko ay nagpatawa naman sakanya. Si Jaq kasi ang president ng Journalistic Social Club or JSC for short. Samantalang ako naman ang Vice.
"Maka-National Photojournalist Contest : Mga kabataan pagasa ng bayan, parang di ka kasali dun ah. Tsaka binuo mo pa talaga pwede namang MPC:MgaKaPaBayan ahh"-sabi niya ng may ngiti sa mga labi niya. Totoo yung sinabi niya kasali ako dun sa Contest kaso lang parang gusto ko mag back out.
"Tsk, para ngang ayaw ko nang sumali eh"-sabi ko na nakapagkunot ng noo niya. Alam niya kasing matagal ko nang gustong makasali dun. Kaso simula ng dumating si Tricia dito para bang ayaw ko nang malayo sakanya. Tapos i dagdag mo pa yung Campus Contest na for the Queen and Kings masyadong hassle kung sasama pa ko baka mamaya may iba na ring umaligid sakanya.
"Bakit? Dahil ba kay miss-strawberry-girl yan?"-sabi niya na may nakakalokong ngiti ulit na nagpatawa sakin ng konti.
"Oh bat nakangiti ka lang? Ibig sabihin totoo?"-sabi niya habang nakangisi na mas mapagpangiti sakin lalo. Matagal ko na kasing gusto si tricia kahit nung di pa siya nagaaral dito at alam ni Jaq yun dahil kasama ko siya nun nung makita ko si Tricia.
—Flashback
"Sa wakas andito na tayo pareng rence"- sabi ni Ico habang naka akbay sakin. Si Ico ay isa sa mga kaclubmate ko na kasama sa PYC: BanKoLabKo o mas kilala bilang Photographer Youth Contest: Bansa Ko Ipaglalaban Ko
"Anong kayo lang! Hoy Ignacio Conrado Calisto III, wala ka ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi kita kagrupo diba? Kaya wag kang feelingero"-mataray naman na sabi ni Jaq kay Ico na nakapaghiwalay niya sa pagakbay sakin at yakap kay Jaq.
"Ito naman si babes. Alam mo naman na love kita diba? Syempre thankful ako na kahit di mo ko Love sinama mo parin ako sa grupo na kasama si Rence the Gwapings"-sabi ni Ico na para bang naglalambing kay Jaq. Matagal na kasing nanliligaw si Ico kay Jaq pero hanggang ngayon M.U. Pa rin sila dahil strict daw ang parents nitong si Jaq kahit na amazona ito.
"Alis na muna ako ahh, maglilibot lang ako"-sabi ko sakanila at tumango naman sila bilang sagot kaya nagikot ako sa buong campus ng mary cause of our joy catholic school dito sa muntinlupa. Dito kasi gaganapin ang finals ng PYC kaya hinatid kami ng school gamit ang school bus na nilahad nila samin, at bilang supporta magpa tarpaulin pa sila kaya badtrip si Jaq dahil daw ang panget niya doon naikinatawa naman namin.
Hay naku, ewan ko ba sa school namin masyadong support samin kahit di namin alam kung mananalo kami eh. Pero yaan mo na tiwala lang mananalo kami. Di naman sa nagmamayabang pero kahit na bigatin ang mga kalaban namin meron kaming panlaban. Kasama kaya namin si Jaqueline Arce anak ng pinakasikat na photographer sa bansa na si Kent Arce, diba may panlaban kami. Kaya tiwala lang kaya namin toh kahit na kinakabahan ako.
*Thud
Napaatras ako dahil may biglang bumangga sakin kaya napayoko ako at nakita ang isang babaeng may luha sa mata. Maganda siya masasabi ko pero parang may iba dito na biglang nagpatibok ng puso ko. "Ahh miss okay ka lang ba?" Sabi ko dito at siya nmn n balisa at nakatingin lang sa mukha ko kaya kinawayan ko siya, pero wala parin.
"Miss?"- tawag ko ulit sakanya, pero biglang meron sumigaw ng "Tricia" kaya napalingon ito at tinignan ko naman ang lalaking tumawag sakanya at napatingin ako sa babae na para bang di alam ang gagawin at para bang mapapaiyak na, kaya hinila ko ito at hindi ko alam kung saan kami napadpad basta hinila ko lang siya para mawala siya sa paningin noong lalaking tumawag sakanya. Ewan ko ba pero nang makita ko ang emosyon sa mata niya ay automatikong nagreflex ang katawan ko sa nangyari. Siguro naawa aki skanya or something, pero basta alam kong naawa labg ako sakanya. 'Tama lawrence naaway ka lang sakanya kaya mo yun ginawa' sabi ko sa sarili ko gamit ang isip pero iba ang tibok ng puso ko. Pero yaan mo siya magpapacheck up na lang ako baka sakit lang ito.
"T-thank y-you"- napatigil ako sa pagiisi at hinarap ang babaeng dala dala ko dito sa lugar na di ko alam.
"Wala lang yon miss, oh ito panyo. Punasan mo yung luha mo. Di kasi sayo bagay na umiiyak. Masyado ka kasing maganda para umiyak"- napabulong na lang ako doon sa sinabi ko sa huli at napatitig sa mukha ng niya. Simula sa mga magagandang kilay, going down to her sparkle and shining eyes that can make me knock out. Pati rin ang mga ilong niyang matangos na bumagay naman sakanya. Also her pinkish kissable plum shape lips that makes me want to kiss her. Sama mo pa ang mabango niyang amoy, na amoy baby that make me want to smell her and hug her. Pero Lawrence mag hunis-dili ka dahil hindi mo naman to kaano ano at kakakilala mo pa lang dito kaya stop. Tumingin na lang sako sa ibang bagay at ibanaling ang tingin ko dun at kunwaring kinukuhaan ito ng picture kahit hindi naman talaga.
" anong sabi mo?"- bigla naman nagbago ang ekspresyon ng kanya mukha, from cry baby to mataray na babae. Ewan ko ba pero ang ganda niya sobra kahit magtaray siya.
"Wala ang sabi ko alis na ko kasi baka malate pa ko sa contest. Sige na bye"- sabi ko sakanya at tumalikod na. Ano ba yan sayang! Di ko man lang siya makihaan ng picture!
"Wait! Paano yung panyo mo?"-sabi niya sakin kaya napaharap ulit ako sakanya. Sa pagkakataon na to ay nakatutok na rin ang lens ng camera ko sakanya at clinick ito.
"Sige sayo na lang yan. Balik mo na lang sakin pag wala ka nang luhang ipapatak sakanya. By the way, ngiti ka nga"- sabi ko sakanya at ngumiti naman ito kaya pinindot ko na ang button nang camera at kinuhanan siya ng larawan.
"Sige salamat sa picture. Also don't forget smile always. Panget naman kung nakasimangot ka at umiiyak di bagay sa magaganda mong mata. Sige ciao!"- sabi ko sakanya tsaka tumakbo narinig ko naman siyang tinawag ako pero hindi ko na ito pinakinggan at bumalik na kila Jaq na may ngiti sakin labi
-End Flashback
"Napangiti ka jan"- sabi ni Jaq sakin kaya mas lalo akong napangiti dahil naalala ko nanaman yung una naming pagkikita.
"Aye, si Lorenzo Juan Dagat ay nagdadalaga na"- dugtong niya at binangga ang aking balikat na para bang nang aasar at bigla itong tumayo.
"Sige na nga magdaydream ka na ulit kay miss Strawberry at ako'y sisibat na. ADIOS MAH FRIEND!"- pagpapaalam niya kaya kinawayan ko na rin ito.
Hay naku sana makilala niya pa ko.Mahaba pa kasi ang buhok ko that time eh at naka brace pero i hope she would remember.
—
