Chapter 2 - Ana

8.8K 183 6
                                    

- ANA -

Buzz buzz buzz!!!!

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko ( how i wish ) wala nga pala akong alarm clock kaya chos lang un! nakikigaya lang ako sa ibang nabasa kong story pero eto na talaga yung totoo.

I woke up way too early than the usual, excited na akong pumasok sa university. Hindi lang naman halata sa akin pero pala aral ako. Kaya nga best of friends kami ni riley eh - speaking of her miss na miss ko na talaga ang babaeng yun last year was like a boring year for me. Wala na kasing makulit na bestfriend ang palagi kong inaasar at palagi ring nang aasar sa akin kaya sana naman iba ang kapalaran ko ngayong taon at may excitement na maganap.

I helped myself up on my bed at pumunta na ng banyo para maligo. After a while I feel so fresh na at nagbihis na ng ootd kong pants and shirt lang muna and sneakers, ito yung feel ko ngayon eh to start a new school year. I feel so great kasi ewan ko ba basta ganun pakiramdam ko. Bumaba na ako ng hagdan at binati ang parents ko na tahimik na nag aalmusal.

Si dad may hawak na newspaper ang kanyang kaliwang kamay at ang kanan ay para sa coffee niya, si mom naman ay sumusubo na ng fried rice and bacon and eggs..dami naming ulam feeling mayaman, haha.

I greeted the both of them with so much happiness.

'' GOODMORNING EVERYONE!!!! '' napalakas ata pagkasabi ko at si dad kamuntikan ng tumilapon yung iniinom niyang kape.

'' anak naman hinaan mo ang boses mo at baka magising ang kapatid mo ''

I rolled my eyes '' dad as if naman meron akong kapatid '' he chuckles pati na rin si mom.

'' hay naku kayo talagang mag ama, halika na nga ana at umupo ka na dito para kumain, ang aga aga mo pati nagising '' aya ni mom sa akin.

Dali dali ko namang tinapos hakbangin ang dalawa pang natitirang baytang ng hagdanan at umupo na katabi ni mom for breakfast.

It's 7:30am na ng pumunta ako sa New York University. I parked my car sa dati kong puwesto at tumuloy na sa loob ng building. Wala pa rin itong pinagbago well ofcourse bukod sa mga bagong mukha. Nakita ko naman agad si Noora at bela, nagpagupit ang mga bruha uso daw kasi ang maikling buhok tapos nagpakulay pa ng blonde, trip lang daw nila...lakas kung makatrip nitong dalawa minsan e.

'' ana!! '' tili nung dalawa, close kong mga kaibigan ang dalawang ito kaya oa talaga sila mag act sa harapan ko....ahm min- madalas.

'' oooh wow new look '' kunwa'y nagulat ako

'' yep alam mo na for the boys '' sabi ni bela, napakalalakero talaga nito kahit kailan. Ang mga nagiging boyfriends niya kasi parang damit lang papalit palit.

'' ang ganda mo ata ngayon ana '' si noora.

'' sus dati na '' mapagkunwa'y kong sagot, naglakad na kami papuntang classroom.

'' girl bakit hindi ka magpagupit ang haba na ng buhok mo eh '' may biglang matinis na boses ang nakisali sa amin. Napatigil kami sa paglalakad.

Lumingon kaming 3, si jimson lang pala.. I mean ang baklang jimson. Remember him? siya yung nanligaw kay riley na nabasted dahil les naman talaga ang bestfriend kong yun since birth. Ayon nasaktan tinamaan talaga kasi ng lintik.

First time nainlove at grabeng nasaktan, akala namin okay lang sa kanya ang galing magtago ng pain eh, kaya nagulat ako nung magpasukan ng 2nd year, bakla na si jimson. Hindi kinaya ng puso at tuluyan ng bumigay at naging mamon.

tsk tsk!!

'' oh jimsy '' yan tawag namin sa kanya..

'' hi girls '' maarteng bati nito, may shoulder bag pa sa kaliwang braso at bandana sa buhok niya. Iba din trip ng baklang ito.

'' hey kumusta ka?? '' I asked

'' heto still healing '' tukoy niya sa puso niya, masakit pa daw kasi. Iba talaga ang tama nito kay riley. Poor boy!!

Ginalaw galaw nito ang nguso niya as he eyed me from head to toe.

'' what?? ''

'' ahmmmm nothing ang ganda mo kasi girl '' he complimented.

'' well thank you my parents took all the credits!!! '' I smiled at him.

Maganda naman talaga ako, with a little big yet tantalizing hazel-colored eyes, straight nose, thin soft lips, a small frame face and a long brown hair. Ganda ng description diba, kung di niyo gets just look at the picture above.

Isang tao lang naman ang nagsasabing pangit ako at si....well never mind her name, ayaw ko na rin maalala ang maarte, maldita at napaka brat na babaeng yun.

'' pero baka mamaya niyan kagaya ka rin ng bestfriend mo ha, maawa ka naman sa mga lalaking nagkakandarapa sayo baka dumami ang pederasyon namin kapag nagkataon '' tumawa ito maging yung dalawa pa.

'' NO OFCOURSENOT '' madiin kong saad

'' I'm straight and I have a boyfriend nga diba '' bigla ko tuloy naalala si Sam - boyfriend ko for a year na, isa siyang I.T sa isang sikat na company dito sa city. Kinuha ko ang phone ko at mabilis na nagtext sa kanya then binalik ko din sa bag afterwards.

'' mabuti na yung malinaw girl '' kinawit na ni jimsy ang braso ko at naglakad na kaming muli.

Start a day with good friends and with a good vibes!!!

----------------

Lumipas ang mga araw at friday na, kasabay naman nito ang pabawas na pabawas kong energy. Biglaan kasi kaming lumipat ng bahay and it's a 4 hour drive going to school and back, kaya hindi pa naman lang nagsisimula ang klase ay pagod na pagod na ako.

'' ahm mag dorm ka na lang kasi girl, mura lang naman ang rent and maganda rin naman atsaka hindi mo pa kelangan gumising ng sobrang aga para lang hindi ka malate hindi ba '' si bela, naaawa na ata sa akin at last day then today super aga ko talagang pumapasok. Nandito kami ngayon sa locker ko at kinuha yung book na kailangan sa subject namin ngayon.

'' yun na nga plan ko girl kaya nga naghahanap na ako '' sagot ko at naglakad na kami sa hallway.

Bigla naman kaming nagulat ni bela at nagtatakbuhan ang mga estudyante papunta sa kabilang direksyon.

'' anong meron? '' tanong ko and my friend just shrugged her shoulders.

'' tara na ngaaaa haaaay!!! '' bago ko man lang natapos ang sinasalita ko ay nahikab ako. At sa di inaasahang pagkakataon mukhang tumigil ang mundong earth pati na ang saturn at jupiter sa pag ikot ng may narinig akong pamilyar na nakakairitang boses.

'' still sleepy pangit?? ''

Bigla ko tuloy naisara yung bibig ko at automatikong iminulat ang mga mata ko. And my eyes wanted to bulged out ng makita ko sa harapan ko ang maldita at maarteng si danika with her well known evilly grin plastered all over her face.

'' YOU'VE GOT TO BE KIDDING ME!!!! ''

--------------------------------------------------------------

Surprise heto na at nagkaharap na ang dalawa ... more stories to tell pa sa dalawang ito kaya abang lang kayo.

And I promised to update more than ever. * wink.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon