Chapter 32 - Dance of Love

5.1K 129 3
                                    

- ANA -

Ngayon na ang graduation ceremony ni danika. Pinuntahan ko siya sa UNI. Ito kasi yung pinakamasayang araw ng mahal ko kaya nararapat lang na nandun ako at ipakita na sinusuportahan ko siya sa masasayang araw katulad nito.

Kahit nasa malayo lang ako ay tanaw na tanaw ko kung gaano siya kasaya kasama ng parents niya. She told me na pwede naman daw akong lumapit but I decline the possibility kahit gusto ko rin naman talaga, kaso kasama rin kasi si gerald so okay na ako sa malayuan.

Ang ganda ganda talaga ng mahal ko, sa bawat pag ngiti niya at kislap ng kanyang mga mata ay sapat na para lumundag sa saya ang puso ko. I'm so proud sa mahal ko, she made it, with the highest honor pa.

Sa bawat araw at buwan na lumipas siguradong sigurado na ako sa aking sarili na siya na talaga ang minamahal ko, wala na akong ibang ninanais at nanaisin pa kung hindi si danika lang, siya na talaga.

Tinawag na ang kanyang pangalan, nakita ko siyang inalalayan ni gerald hanggang pag akyat ng entablado, sa bawat paghakbang niya ay siya namang pagtulo ng aking luha. Masayang masaya lang talaga ako and the joy was overwhelming na hindi ko na kayang pigilan ang pagluha ko.

Before she do her speech she roam around her eyes. Alam kong hinahanap niya ako and when our eyes met, hers sparks like the most precious diamond on earth. Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya. Sa maikling sandaling yun ay parang tumigil ang oras at parang kami lang ang tao sa loob ng gusali.

Then she cleared her throat at sinimulan na niya ang kanyang speech. Everyone are lending their ears, ilang beses ba nagtama ang aming mga mata sa maikling mensaheng sinabi niya, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko sa bawat salitang binibitawan niya ay kasabay nito ang pagbilis ng pagpintig ng aking puso para sa kanya. Mahal na mahal ko si danika at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Matapos ang graduation ceremony ay nagsend ako ng message. I told her na hihintayin ko siya sa dorm. Napag usapan rin kasi namin na kahit hindi na siya dun nakatira ay occupied pa rin ang kwarto niya. Rerentahan niya pa rin dahil ito pa rin daw ang magiging nest of love namin.

- DANIKA -

Natapos na ang graduation ceremony namin, sa wakas malaya na ako sa pagiging buhay estudyante. Kahit gustuhin ko na makasama si Ana sa importanteng araw ng buhay ko ay hindi namin magagawa. Nandito ang parents ko at ang boyfriend ko, pero dumating si ana, ang mahal kong si ana.

Nasa may dulo siya nakangiti at nakatingin lang sa akin. During may speech pinipigilan kong maluha but everytime I looked at her nagbabadya ang mga luha ko na kumawala. Nararamdaman ko sa bawat titig niya how proud she is to me.

Gusto ko ng yakapin si Ana. I want to celebrate this happiness with her. So I make a way para makasama ko na si Ana. Hindi pa man lang tapos ang celebration sa bahay ay tumakas na ako at dali daling pumunta sa dorm.

I almost ran going to our room. I unlocked the door. When I got in marahan kong sinara at ni-lock ang pintuan. Ang dilim sa loob at maliliit lang na kandila ang nagsisilbing liwanag. Naglakad pa ako ng kunti at naluha ako ng makita ko ang ginawang collage ni ana.

Mga pictures namin. Halo halo ito, at halos lahat stolen photos. Marami dito ay natutulog ako, or galit ako or kumakain. Inayos niya ito in a heart shape at sa gitna ay may isang malaking picture naming dalawa kissing each other at may nakasulat dito.

I am so proud of you LOVE, in this very moment I wan't you to know how lucky I am that I bumped into you that very day in that gate, it was the day I met you. The day I unexpectedly found the love of my life. I love you so much danika.

Naluha ako sa ginawa ni Ana. I pour my heart out sa pag iyak at bigla nang lumabas si Ana galing sa kwarto wearing only a white long sleeve and an underwear. Nakalugay ang kanyang buhok at nakayapak lang ito.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at pareho kaming umiiyak. Lumapit ito ng dahan dahan sa akin na may dala dalang isang pirasong pulang rosas.

Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko ay para na akong naging istatwa sa kinatatayuan ko. Tumapat siya sa akin at iniabot ang pulang rosas.

'' Congratulations love. You deserve everything in this world. You deserve happiness.You deserve love '' at may kinuha siya sa bulsa ng suot niya.

Isa itong mamahaling bracelet na may initial ng unang letra ng mga pangalan namin.

'' love you don't have to --- '' sinaway niya ako habang isinusuot niya ito sa kaliwa kong braso.

'' shhhh I wan't to, danika you're the most amazing gift I've received in my life and I want you to know how much you mean to me and how much I love you '' umiyak na ito ng halos hindi na rin matigil kagaya ko.

'' t...thank you '' I almost whispered, humahagulhol na kasi ako sa pag iyak.

Niyakap ko si Ana ng sobrang higpit.

'' Mahal na mahal din kita Ana '' I mumbled to her.

Nanatili kami sa posisyong magkayakap for a moment. Kanina ko pa kasi siya gustong yakapin.

'' may gift din pala ako sayo love '' turan ko ng kumawala ako saglit sa pagkakayakap.

'' pero wala namang okasyon for me para bigyan mo ako '' pinunas niya ang parehong mga luha namin.

'' kahit pa, hindi ko naman kailangan ng okasyon para bigyan ka ''

Dumukot na ako sa aking bulsa at iniabot sa kanya ang isang pahabang kahon. Binuksan niya ito at naiyak na namang muli ng makita ang laman nito.

'' love ''

'' it's for you love. I personally design this for you ''

Kinuha ko na ang kwintas with a pendant of our first letter of our names, pareho talaga kami ng naisip. Yun nga lang yung sa kanya magkadikit ang dalawang letra samantalang yung sa akin ay nasa loob ng letter D ang letter A that symbolizes that no matter what she'll always the one for me.

Isinuot ko ito sa kanya.

'' it's beautiful '' she said while holding the pendant with her fingertips. Umikot na ako and faced her.

'' you are beautiful '' I told her at dumalayday na naman ang luha ko sa aking mukha at ganun din siya.

'' ano ba yan nagiging iyakin na tayo, hindi ako sanay '' sabi niya, pero luha pa rin siya ng luha.

I cupped her cheeks and told '' I love you Ana ''

'' I love you too '' she replied and kissed me for a brief moment.

Hinawakan niya ang aking kamay at inakay ako patungong gitna ng sala. Kung saan may ginawa siyang hugis puso gawa sa mga petals ng rose, tumayo kami sa gitna at sinimulan niya akong hubaran.

'' are we going to make love here love? '' I teased habang patuloy niyang hinuhubad ang damit ko.

'' No that's for later, for now we're going to have the dance of love ''

Kinuha niya ang remote at nagpatugtog ng kantang umaayon sa pareho naming nararamdaman sa isa't isa.

'' may I have this dance? '' tanong niya habang nakalahad ang kamay sa harap ko. Ang natira na lang sa damit ko ay ang manipis na puting damit ko na ginamit panloob sa sinuot ko kanina.

'' sure you can have this dance '' sagot kong nakangiti, at sa pagsimula ng kanta ay kasabay nito ang pagsayaw ng aming magkadikitang katawan, konektadong puso at isipan at ang kakambal ng aking kaluluwa.

'' sure you can have this dance '' sagot kong nakangiti, at sa pagsimula ng kanta ay kasabay nito ang pagsayaw ng aming magkadikitang katawan, konektadong puso at isipan at ang kakambal ng aking kaluluwa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon